OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 13

4.4K 110 20
                                    

 CHAPTER 13

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

 * * * * *

"Te-te-te-teka?” utal kong wika.

“Nasan ako? Anong lugar ‘to?”

“Nananaginip ba ko ng gising?" mga tanong na namumuo sa aking isipan.

Sa isang mapayapang lugar, kung saan tanging huni ng ibon, lagaslas ng tubig, mga huni ng kulisap at ang malumanay na ihip ng hangin ang aking tanging naririnig.

Dito ko natagpuan ang aking sarili.

Nilibot ko ang aking paningin.

Ako ngayon ay nasa ibabaw ng isang burol. Isang mapayapang lugar, napakatahimik, napaka-sarap sa pakiramdam.

"So refresing!" nasabi ko. Damang dama ko ang napaka sariwang simoy ng hangin sa lugar na ito, hindi tulad nang sa siyudad punong puno ng polusyon at mababahong usok ng sasakyan, pabrika at marami pang iba pa.

Inikot ko lang ang aking tingin sa aking paligid. Tiningala ko ang bughaw na kalangitan. May ilang mga ibong sumasabay sa ihip ng hangin. 

Ang lugar na ito’y parang isang paraiso.

Napakaganda.

Napakatahimik.

"Hindi kaya... patay na ako?" saka ko pinagmasdan ang aking mga palad.

"Malabo mangyare 'yon." sabay iling ng aking ulo. "Erase! Erase! Erase!" 

Luminga linga ako sa paligid at napadako ang aking mata sa di kalayuan, mayroon pumukaw sa aking atensyon.

Mayroong tao sa banda roon.

Naririnig ko pa ang kanilang mahihinang tinig.

Tinuon ko ang aking atensyon sa pinanggagalingan ng tinig.

Nakita ko ang dalawang tao na tila ba namamahinga at nakaupo sa ilalim ng puno, sa palagay ko’y isang lalake at babae.

Nagsimula akong lumakad papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Konting distansya nalang at malapit na ako sa kanila.

"Bakit hindi ko maaninag ang kanilang mukha?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Kinusot kusot ko ang aking mata at muling binaling ang tingin sa kanila, ngunit ganon padin. Sadyang malabo, hindi talaga makita o maaninag manlang ang kanilang mukha.

"Ba't ganon?"

Nang biglang unti unting lumabo ang paligid.

Unti-unti naglaho ang bughaw na kalangitan, unti-unti naring nawawala ang mga huni ng ibon at kulisap.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon