OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 30

2.7K 68 9
                                    

CHAPTER 30   

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy    

* * * * *  

ELLA'S POV

Katatapos lang ng klase namin ni Kris. Kaya naman palabas na kami ng classroom. Half-day lang kasi ang klase namin ngayon samantalang sila Ed naman ay walang pasok. Kaya pag ganitong araw ng miyerkules ay sinusundo nya ako.

"Uy, Kris san ka na nyan pupunta?" Tanong ko dito habang naglalakad na kami sa pathway ng school. Napansin ko ding busy sya kakatetext sa kanyang cellphone. Sino kayang katext nito?

I smell something fishy.

"Ah punta muna ko ng mall may bibilin para sa project." Lumingon sya sa akin saka ngumiti. Maganda yata ang mood nya ngayon. Mabuti naman.

"Gusto mo samahan ka na namin ni Ed?" pag-aalok ko dito.

"Ah wag na. Wag na. Nakakahiya kay Ed. At saka baka maabala ko pa ang lakad ninyong dalawa." pagtanggi nya. "Saka ok lang ako. Promise." nakangiting sagot nito saka itinaas pa ang kanang kamay at nakabuka ang palad.

"Naku ok lang yon. Saka wala naman kaming lakad ni Ed."pagpapaliwanag ko dito.

"Ok lang talaga ako."

"Sure ka bang ayaw mong magpasama?" pagpupumilit ko sa kanya.

"Oo, ok lang ako. Don't worry may kasama naman ako." pagtanggi muli niya. "Oh ayan na pala si Ed e." sabay turo sa paparating na si Ed. Andito na kami sa labas ng school. Dito sa waiting shed.

"Hello Girls." -Ed

"Hello." - Kris

"So, pano ba yan Kris, maiwan ka na namin huh? Ingat ka nalang. Text text nalang tayo. Kita nalang ulit tayo bukas." tapos nag ba-bye na ko sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad at naiwan na namin sa waiting shed si Kris na mag-isa. Sino kayang kasama nya at tinanggihan nya yung alok ko? Hmmm...

"Bakit hindi mo nalang sinama si Kris?" tanong sakin ni Ed.

"May bibilhin daw sya e, ayaw naman nya kong payagan na samahan natin sya, besides may kasama naman daw sya." pagpapaliwanag ko dito.

"Sino namang kasama nya?"

"Ewan ko. Wala naman syang sinabi. Ayoko rin naman syang tanungin, nakakahiya."

"Ah nga pala Ed, ano sa palagay mo yung nangyari sa plano natin? Yung tungkol kay Lawrence at Kris?" dugtong ko.

"Ah wala pa, hindi ko pa nakakausap si Lawrence. Baka mamaya magkita kita kami sa Resto. Wala bang nabanggit si Kris? Wala daw bang nangyari? o kahit na ano manlang?" pag-uusisa nito.

"Wala naman syang nabanggit. Pero... may napansin akong kakaiba sa mood nya ngayon. Mukhang masigla na sya. Tapos ibang iba na yung aura ng mukha nya. Hindi na sya katulad ng dati. Yung mata nya medyo masigla na, kumpara sa dati. Tapos ngumingiti sya habang nagtetext kanina. Sa palagay mo si Lawrence kaya ang dahilan non?" nagtatakang tanong ko dito.

"Kung si Lawrence man o hindi ang dahilan non, matuwa nalang tayo para kay Kris atleast kahit papano nakukuha na nyang ngumiti, hindi ba? Pero mas masaya sana kung ang nagpapangiti sa kanya ay ang ating kaibigan, walang iba kundi si Lawrence." seryoso yata masyado si Ed ngayon ah. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. ♥_♥

*nod.nod*

Tama naman ang sinabi ni Ed. Dapat talaga kaming matuwa sa pagiging masaya at masigla ni Kris kahit hindi si Lawrence ang may gawa. Ang mahalaga maging maayos na ulit si Kris. Pero hindi kami susuko ni Ed na gawin ang lahat para magkadevelopan sila. Alam nyo naman, kami si Mr. and Mrs. Cupido. ♥

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon