CHAPTER 27
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
NICKOLAI'S POV
Kakauwi ko lang galing sa bahay nila Steph. Doon na din ako nag-dinner kasama nila.
Hay. Nakakapagod na araw.
Dumiretso na ako sa kwarto saka nagbihis ng damit.
Napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko yung nangyari kanina sa loob ng kotse habang pabalik kami sa bahay nila Steph.
*FLASHBACK*
"Sino sya tita? BOYFRIEND MO?" Nagulat naman ako sa tanong ng pamangkin nya. Nang madako naman ang tingin ko kay Steph natawa naman ako sa ekspresyon ng mukha nya. Bigla kasing namula ang mukha nya saka sya iiling iling.
"H-hindi. B-Bestfriend ko sya. A-ano kabang bata ka? Kung anu-anong pinagsasabi mo. Kabata-bata mo pa ang dami mo ng nalalaman. he-he-hehehe. Pasensya kana Nickolai ah. hehe. May pagka-weirdo lang kasi tong pamangkin kong 'to e." May pagkabulol nyang sabi saka ngingiti ngiti.
"UMAYOS KA VINCE." Narinig kong bulong nya sa pamangkin nya. Tapos humarap ulit sya sakin sabay malapad na ngiti.
Nginitian ko lang din sya. hehe
Umayos na ulit ako sa aking pagkakaupo, nakita ko namang tatawa tawa din si Mr. Smith habang nagmamaneho ng sasakyan.
Natatawa talaga ko sa reaksyon nya, lalo na nung namula yung mukha nya at parang ewan na iiling iling. Hindi ko rin makakalimutan yung WAGAS na pagtanggi nya.
Pagkayari noon tahimik na yung buong byahe namin. Wala na silang imikan hanggang makarating kami sa bahay nila.
*END OF FLASHBACK*
Makatulog na nga ng maaga, para maaga din akong makapasok bukas sa school.
Ihahanda ko na rin ang sarili ko para sa mga tanong at panti-trip ng mokong na Ed na 'yon.
"GOOD NIGHT!"
* * * * *
JOHN KARLO'S POV
Matatapos nanaman ang isang nakakapagod na araw.
Teka lang, ako napagod? Bakit nga ba?
Wala naman akong ginawa kundi manood lang. Oo, nanood lang ako ng movie maghapon. Nag movie marathon lang kaming dalawa ni Garfield. Oo si Garfield yung aso namin. Bakit ba? Sa trip din nyang manood e.
Hay. Wala naman kasi akong mapupuntahan. Kaya eto ako. Sa bahay lang tumambay maghapon. Lahat kasi ng kaibigan ko may lakad.
Si Nickolai sinamahan si Steph.
Si Ella at Ed naman magkasamang nagre-review.
Si Lawrence naman hinatid si Kris sa bahay nila.
Pati nga yata si Sheilla May busy, hindi manlang nagawang magparamdam ngayon. Ang weird lang talaga ng babaeng multong 'yon. Magpapakita nalang kung kailan gusto. Tsss.
"Matulog na nga tayo Garfield."
*arf.arf*
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...