OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Isang napakadilim na gabi, kasabay nito'y isang napakalakas na ulan at malakas na ihip ng hangin. Napakaraming mga di pamilyar na mukha ang aking nakikita. Nararamdaman ko ang pighati at kalungkutan ng mga tao sa paligid, tila ba nakikisama sa kanila ang panahon. Kahit malakas ang buhos ng ulan ay mababakas sa mata ng nakakarami ang lungkot na nagkukubli sa kanilang mga mata. Kahit malakas ang ulan mababakas sa kanilang mga mata ang pag-agos ng mga luha.
"P-panaginip?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili habang inililibot ang aking paningin. "Ano bang nangyayari rito? Bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang pangyayaring ito?!" Umalingaw-ngaw ang aking tinig sa buong lugar.
Ilang sandali pa'y bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
Nagsimulang manakit ang aking ulo, pakiramdam ko'y pinupukpok ito ng kung anong matigas na bagay.
Napaupo nalang ako sa sahig, hawak-hawak ng parehong kamay ang magkabilang panig ng aking ulo.
Napakasakit. Sobrang sakit.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. Hindi ko na talaga makayanan ang sakit.
Napaangat nalang ang aking mukha nang makarinig ako nang masasayang halakhakan. Ang kaninang nananakit na ulo'y ngayon magaling na. Wala na akong nararamdaman kahit na anong sakit.
Agad kong ibinaling ang aking paningin kung saan nanggagaling 'yong halakhakan.
Napatulala nalang ako sa aking nakita.
Ang kaninang napaka-dilim na paligid ay napalitan ng isang magandang tanawin.
Bughaw na kalangitan, malinis na batis, masasayang ibon na naglalaro sa sahig na naalatagan ng mabeberdeng damo, 'yan ang aking nasisilayan ngayon. Ramdam na ramdam ko rin ang napakalamig na simoy ng hangin, payapa ang paligid. Ang sarap sa pakiramdam, para bang nasa isang paraiso ako.
Ipinikit ko pa ang aking mga mata para damhin ang sariwang hangin.
Napadilat naman ako nang muling marinig ang mahinang halakhakan.
"Sino kayo? Nasan kayo?" sunod-sunod na tanong ko pero wala akong natanggap ni isang sagot. Sandali akong napatulala nang makita ang malaking puno malapit sa aking kinalalagyan. Doo'y may natatanaw akong dalawang tao. Isang babae't isang lalaki.
Habang papalapit sa kanilang kinaroroonan ay napapakunot ang aking noo. Ang mukha ng babae'y pamilyar sa akin ngunit ang mukha ng kasama niya'y di ko magawang makita. Malabo ang rehistro nito.
Ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanila nang biglang huminto ang mga paa ko sa paghakbang.
Nabato nalang ito.
"S-sheilla May?" nakatulalang tanong ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, si Shiella May nga 'yon!
Hindi ako maaaring magkamali, sya nga iyon!
Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanyang kinaroroonan na may ngiti sa aking mga labi. Nang malapit na ako sa kanya ay ibinuka ko ang aking mga bisig para yakapin siya ngunit ilang hakbang nalang ang pagitan namin sa isa't isa'y bigla nalang siyang nawala sa aking paningin.
Napahinto ako sa aking pagtakbo at napabulong, "Nasan siya? Sila?" pagkasabi noo'y inikot ko ang aking paningin.
Wala na sila. Nawala nalang basta-basta.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...