CHAPTER 36
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
*beep.beep.beep*
Naririnig ko na ang huni ng alarm clock na malapit sa aking kama. Si-net ko kasi ito kagabi para maaga akong magising ngayon. Aattend pa kasi kami ng second mass nila Papa.
Mula sa aking pagkakahiga ay tumagilid ako at inabot ang alarm clock na nakapatong sa mini table na malapit sa aking kama. Pagkakuha nito ay in-off ko na ito. Isinandal ko sandali ang aking likod sa board ng kama at nag-unat-unat. *strecthing*
"Hwuuaaaaah~" Isang mahabang hikab ang lumabas sa aking bibig. "Kaantok." *blink.blink* Pababa na sana ako ng kama nang makita si Garfield na nasa tagiliran nito, malapit sya sa mini-table kung saan naka-patong ang alarm clock. "Good Morning, Garfield." bati ko sa asong mukahang nagulat nang himasin ko ang ulo nito.
Tiningnan lang nya ako at hindi nagtagal ay kumahol ito.
*arf.arf* Mahinang bati din nito saka dinilaan ang kamay ko.
Bumangon na ako sa kama at nag-ligpit ng hinigan. Binuksan ko ang bintana na malapit sa aking kama upang may makapasok na sariwang hangin. Dumungaw ako sandali at tiningnan ang mga tao sa labas. Mayroong nag-eehersisyo sa gymnasium na malapit dito. Dinig na dinig din ang tugtog nila mula rito. Mayroon ding nag-jojogging sa may kalsada, may ilan din namang nakasakay sa kanilang bisekleta na pabalik balik lang at may mga taong bihis na bihis na tila mo aattend ng party.
Iniwanan ko ng bukas ang bintana at umupo sandali sa aking kama at hinimas himas ang ulo ni Garfield. "Garfield may itatanong ako sayo, sagutin mo ng tapat ah?" eto nanaman ako, kinakausap ang aming alagang aso. Nasanay narin kasi akong kinakausap ito. Mukha naman kasing naiintindihan nya ako, kahit papano. "Pag nawala ba si Sheilla May mamimissed mo sya?" Natawa lang ako sa ekspresyon ng mukha nito. Mukha kasing inaantok pa ito at nag-hikab sa harap ko. "Sige. Tulog ka na nga lang muna ulit." saka hinimas himas ang gawing batok nito. Nang nakapikit na ito ay tumayo na ako at nagtungo ng banyo para mag-ayos ng sarili.
Habang nakatitig sa salamin dito banyo ay bigla muling pumasok sa aking isip si Sheilla May. Hindi pa kasi ito nagpapakita o nagpaparamdam manlang mula nung araw na nagpunta kami sa burol.
"Nakatawid na kaya sya?" mahinang bulong ko sa aking sarili. Pero, paano kung nakatawid na nga ito at hindi na nag-paalam sa akin? Nasanay sa kasi ako sa kanyang presensya. Makulit man sya pero, masaya naman syang kasama. Hindi ko namamalayan unti-unti na palang sumisimangot ang aking mukha. "Teka lang ah. Bakit ba ko nakasimangot? Diba dapat nga akong matuwa dahil nakatawid na sya?"
*knock.knock*
"JK anak, nakagayak ka na ba? Aalis na tayo." Tawag ni Papa mula sa labas ng pinto ng banyo.
"Opo. Mag-toothbrush nalang po ako, tapos lalabas nako jan."
* * * * *
CHURCH
Habang nagmimisa ang pari ay wala ako sa aking sarili. Malayo ang tanaw at nakatulala sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/3495060-288-k877232.jpg)
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...