CHAPTER 43
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Huh?! Bakit parang naguluhan yata ako sa sagot niya?
Ano bang tinanong ko at ganon ang naging sagot niya?
REWIND NGA!
---
"Umm. Sino ba yung lalaki sa panaginip ko na lagi mong kasama?" Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa aking direksyon?
"Gusto mong malaman?" seryosong tanong nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.
"Alam mo JK..."
"ANO?"
"Hindi ko alam eh." napabagsak nalang ang mukha ko sa lamesa dahil sa bigla. Nag-eexpect pa naman ako ng magandang sagot mula sa kanya. Hindi na dapat ako nag-expect at nagtanong, wala yata akong makukuhang matinong sagot sa babaeng ito. Nagpatuloy na muli ito sa kanyang pagkain.
"Hindi nga? Yung totoo." paninigurado ko.
Sandali siyang tumigil sa kanyang pagkain at muling humarap sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. "Gusto mo na ba akong mawala ng tuluyan? Gusto mo na bang tumawid nako sa kabilang buhay?"
---
"Gusto mo na ba akong mawala ng tuluyan? Gusto mo na bang tumawid nako sa kabilang buhay?"
"Mawala ng tuluyan? Tumawid sa kabilang buhay?" bulong ko sa aking sarili. Hindi ko parin kasi magets yung sagot niya. Nagiging slow na yata ako.
Sandali akong napaisip.
"Gusto mo na ba akong mawala ng tuluyan? Gusto mo na bang tumawid nako sa kabilang buhay?"
"Gusto mo na ba akong mawala ng tuluyan? Gusto mo na bang tumawid nako sa kabilang buhay?"
"Gusto mo na ba akong mawala ng tuluyan? Gusto mo na bang tumawid nako sa kabilang buhay?"
Nag-paulit-ulit lang iyong mga huling katagang sinabi niya sa aking isipan.
Hindi nagtagal ay unti-unting lumaki ang aking mga mata nang ma-process na sa aking utak ang mga katagang sinabi niya.
"Hindi kaya..." dahan dahan akong lumingon sa kanya.
Tinitigan ko siyang mabuti. Seryoso ang kanyang mukha.
Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. *gulp* Hindi kaya, pag nalaman ko kung sino iyong lalaki sa aking panaginip ay tuluyan na siyang makatawid at manahimik?
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...