CHAPTER 14
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
JOHN KARLO’S POV
At muli kong binaling ang aking atensyon sa batang babae na naka-bunggo sa akin.
Ngayon ko lang napag-masdan ang kanyang itsura.
Napaka-amo ng kanyang mukha.
Tila ba isang anghel mula sa langit.
Mayroon siyang kulay bughaw na mga mata, mapupulang labi at ginintuan na buhok.
Bagay na bagay sa maputi at makinis niyang balat.
Mababakas din sa kanyang mukha ang kasiyahan at pagkasabik.
Sapalagay ko’y sabik na sabik na syang makauwi sa kanilang tahanan.
“San ba gawi yung tinitirhan niyo?”
Sa halip na magsalita ito, itinuro nalang niya ang direksyon gamit ang maliit niyang daliri.
“Tara na. Hatid na kita sa inyo.”
At hinawakan ko ang kanyang malamig at malambot na kamay.
Nagsimula na kaming maglakad.
Nakikita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan.
Nang mapansin kong hindi nya ako masabayan sa pag-lalakad napagpasyahan kong kargahin nalang siya sa aking likuran.
“Kargahin nalang kita bunso, para di kana mapagod.”
“Ano nga pala pangalan mo at ilang taon kana?” tanong ko sa kanya habang buhat buhat ko siya mula sa aking likuran.
“Lorraine Batterson po, 5 years old po.”
Malayo-layo na rin ang nalalakad namin mula nang kargahin ko siya. Nang may maramdaman akong kakaiba mula sa aming likuran.
Sa aking palagay ay mayroong lihim na nakamasid sa amin mula sa doon.
Palagay ko rin sinusundan kami nito ng lihim mula sa malayong distansya.
Pero nang lingunin ko ito, wala naman akong napansin na tao o kung ano man roon.
Hindi man ako sigurado pero malakas ang kutob ko, na merong nakamasid at lihim na sumusunod sa amin.
Ipinagpatuloy ko na muli ang paglakad at hindi ko na lamang ito pinansin.
Binaling ko nalang ang aking buong atensyon sa aking nilalakaran.
“Lorraine, san na tayo ngayon? Kanan?Kaliwa?O diretsyo lang?”
“Kanan po, tapos kakaliwa po. Medyo malapit na po tayo sa bahay naming kuya.”masiglang sagot nito.
At sinunod ko naman ang direksyon na sinabi niya. Lumakad na muli ako, karga karga pa rin mula sa aking likuran ang batang si Lorraine.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...