CHAPTER 31
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
*chirp.chirp*
Natagpuan ko ang aking sarili na nakahandusay sa damuhan at tila isang bangkay na inabandona. May ilang ibon akong napansin na nakadapo sa aking tabi. Napahawak ako sa aking ulo. Hindi na ito masakit katulad kanina. Nagsimula na akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Ang mga ibon na kanina lang ay kasa-kasama ko ay nagsimulang naglipadan palayo ng maramdaman ang pagbangon ko.
Ano bang nangyari? Nasaan sila Sheilla May? Bakit hindi ko sila makita sa paligid? Iniwan na ba nila ako?
"Sheilla May? Garfield? Andyan pa ba kayo?" tawag ko sa mga ito. Nagbabaka sakaling nasa paligid lang sila. Luminga linga ako sa paligid at nagsimulang lumakad. Wala talaga sila dito. San naman kaya sila nagpunta? Iniwan na nga ba nila talaga ako dito? Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Pero sandali akong natigilan.
Bakit parang may mali? Sa pagka-kaalala ko ay nasa pinaka-tuktok kami ng burol. Ngunit bakit andito ako sa pinakababa nito? Ano bang nangyayare? Naguguluhan na talaga ako.
"WHAT'S HAPPENING HERE!? SOMEBODY EXPLAIN IT TO ME!" narinig ko pang nag-echo ang boses ko. Ano ba kasing nangyayari dito? Para na akong baliw na nagpabalik balik sa aking kinatatayuan at salu-salo ang aking baba. Arg! Wala akong maisip. Napaupo nalang ako sa maberdeng damuhan at kumalumbaba. Wala na akong ideya sa mga nangyayari.
"Haaayy." Isang malalim na buntong hininga ang lumabas mula sa aking bibig. Napatingin ako sa tuktok ng burol at napaisip muli.
"Hindi kaya gumulong ako mula sa tuktok ng burol hanggang dito sa ibaba?" pagkasabi noo'y tiningnan ko ang aking katawan. "Kung gumulong man ako dapat may galos o sugat manlang ako sa aking katawan pero, bakit wala?" nayari ko ng inspeksyunin ang aking katawan pero wala akong nakita na kahit na anong galos o sugat. Ibig sabihin lang non hindi ako nahulog o gumulong pababa. Eh paano ako napunta dito? Ano yun, lumusot ako sa isang portal and tada! nasa ibaba na ako? Aishh. Ginulo gulo ko ang aking buhok at humiga sa damuhan.
Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa ibabaw ng aking noo at pinagmasdan ang bughaw na kalangitan. Napansin kong may ilang ibon sa himpapawid na sumasabay sa ihip ng hangin. Ang sarap nilang panoorin. Nakakaaliw.
SOMEONE SINGING
Now Playing : Shalala - Shin Min Ah (English Lyrics)
♪ ♫ ♪ When I smile, my face is more dazzling than the sunshine
When I cry, my tears seem to fall more beautifully than anyone else’s
All the people passing by are staring at me
But I only want you to see me like this
You really have a good fortune ♪ ♫ ♪
"Hmmm? Ano 'yon? Parang may naririnig akong tinig na nanggagaling sa di kalayuan." bumangon na ako sa aking pagkakahiga at umupo sumandali. Pinakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling ang tinig at luminga-linga sa paligid. Nang masigurado ko ang kinaroroonan ng tinig ay dali-dali na akong tumayo at tumakbo para makita kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Napaka-lamig ng kanyang tinig. Kaysarap sa pandinig. Habang patuloy ako sa pagtakbo ay mas lumalakas ang kanyang tinig. Ibig sabihin nito'y palapit na ako ng palapit sa kinaroroonan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3495060-288-k877232.jpg)
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...