CHAPTER 44
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Mag-iisang oras na nang makauwi ako galing sa park, pero hanggang ngayon hindi parin ako mapalagay at mapakali. Paikot-ikot lang ako sa loob ng aking silid. Hindi parin kasi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Bigla nalang kasing nawala si Sheilla May ng hindi nagpapaalam. Nawala nalang itong parang bula. Sinubukan ko itong tawagin at hanapin sa loob ng park, ngunit bigo ako. Wala na siya roon.
Patuloy lang ako sa aking paglakad sa loob ng aking silid. Pabalik-balik. Paikot-ikot habang nakayuko ang ulo at nakatingin sa sahig ng aking silid, ang dalawang kamay ko naman ay nasa aking likuran. Mga sampung minuto na siguro ako sa ganoon. Ilang sandali pa ay napansin ko si Garfield na nakatingin sa akin. Marahil kung nagsasalita lang ito ay baka minura na ako. Kanina nya pa kasi ako sinusundan ng tingin at sa aking palagay ay asiwang asiwa na ito sa akin.
Nang mapagod at mahilo ako sa kalalakad ay ibinagsak ko nalang ang aking puwet sa aking kama, para maupo. Habang nasa ganoong posisyon ay nakatitig lang ako sa dingding ng aking silid. Hindi rin nagtagal ay tumayo muli ako. "Bumalik kaya ulit ako sa park para hanapin sya? Baka kasi mamaya... nagtatago lang dun 'yon? Malay ko? Malay mo? Malaysia!
'OA kana JK. Kornik.' biglang bumulong ang aking konsensya.
'Anong kornik? Baka korni?'
'Wareber! Tsss.' At unti-unting naglaho ang boses ng paki-alamero kong konsensya.
"Nasan na nga ba ko? Hmmm... Ah Ayun! Bakit ba kasi hindi ako nagtanong tanong sa mga tao dun e!" inis na sabi ko sa aking sarili.
'JK, utak mo nasan?'
'Tumahimik ka! Yung utak ko? Ayun, kinakain na ng mga zombies. Teka nga. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?'
'Abay ewan ko sayo!'
'Wag ka ngang magulo dyan. Hindi kita kinakausap!'
'Eh sino kinakausap mo? Si Garfield?'
'Tumahimik ka na nga lang kasi, pwede?! Nagmumukha nakong baliw dito kakausap sa sarili ko sa harap ng salamin.'
'Sabi mo eh.'
At sa wakas naglaho ng muli ang epal kong konsensya. Katulad nang sinabi ko kanina, inikot ko nga ang buong park, ngunit bigo akong makita siya. Balak ko sanang ipagtanong siya sa mga tao sa park kaya lang naalala ko, Multo nga pala sya at tanging ako lang ang nakakakita at nakakausap sa kanya.
Muli ay ibinagsak ko sa kama ang aking katawan, ngayon naman ay nakaharap ako. Nakadapa. "A-ah. Lambot talaga ng kama." saka ko niyakap ang isang unan na malapit sa akin. Ilang sandali ay bumiling ako ng pagkakahiga. Ngayon ay nakatingin ako sa kisame ng aking silid.
Habang nakatitig sa kisame ng aking silid ay unti-unting nag-replay ang mga pangyayari kanina.
*FLASHBACK*
"Ano..."
"Anung ano?!" tanong ko dito. "Saka lubayan mo nga yang pagpalipit mo sa kamay mo. Para kang ewan!" Pano ba naman magkapalipit yung dalawa nyang kamay habang nakangiti ng parang nagmamaka-awa. "Oh." sabay abot ng ice-cream ko.
♪♫ Lovin Ice Cream, pitapat, pitapat, imagine
Sweet flutters, it melts in slowly
Happy moments, hope of being absorbed
Come closer~ Feel it, hmmm~ My sweetest love
Feeling love as I watch you melt
it's so beautiful, let's talk about love
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Roman d'amour[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...