OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 9

5.5K 131 37
                                    

 CHAPTER 9

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

  

* * * * *

NICKOLAI'S POV


At nagpaalam na nga sa amin si Steph.

It's been a long time since nung huli kaming nagkita, 5 years na rin pala ang nakakalipas. Napakabilis talaga nang panahon. Hindi mo namamalayan lumipas na pala ang napakaraming taon ng ganon ganon lang.

Hindi ko talaga siya namukhaan, malaki na rin kasi ang pagbabago sa kanya, maganda naman talaga siya, pero mas gumanda pa siya ngayon.

Habang nakatulala ako at sinasariwa ang mga pangyayaring naganap kanina, may naririnig akong nagbubulungan. Hindi ko alam kung bulungan ba iyon o normal na pag-uusap lang dahil sa ngayon ay para akong nasa ibang dimensyon. Oo ibang dimensyon na ako lang ang naroon. Gulat parin kasi ako sa nangyari kanina. Hindi ko talaga inaasahan na makikita kong muli siya.

"Psssst..."

"Psssst..."

"Psssst... Hello?!"

"Huy!" 

"Hoy, Nickolai. Yoohooo!"  saka kinaway kaway ang kamay sa harap ng aking mukha.

"Ayaw mo kaming pansinin ah, nasan nanaman ba utak mo? Ayaw mo talaga ah."

"NICCKKOLLLAASSS!!"

Bigla akong natauhan nang marinig kong isinisigaw ni Ella ang salitang Nickolas.

"Oh? Ba-bakit?" tanong ko dito na medyo gulat pa.

"Kanina ka pa nakatulala dyan, hehe." nakangiting sabi ni Ella.

"Magkwento ka naman Bro. Sino ba si Steph sa BUHAY MO?'" nakangising tanong ni Ed.

"Ikaw Bro ah, may buhay pag-ibig ka pala di mo manlang samin shine-share." panunukso naman ni Lawrence.

"Tigilan nyo nga ako, Buhay pag-ibig kayo dyan. FRIENDS lang kami ni Steph."

"FRIENDS LANG?? Pero kung makayakap parang wala ng bukas. hihi." panunuksong sabi ni Ed.

"Ed. Hwag nyo na nga pag-tripan si Nickolai." sabi ni Ella.

"Yes ma'am! Your wish is my command."  nakangiting wika ni Ed.

"Ah Nickolai, magkwento ka naman tungkol kay Steph, pano kayo nagkakilala? Pasensya kung madame kaming tanong, curious lang kasi kami. Pero kung ayaw mo munang magkwento tungkol dun, we respect your decision." nakangiting sabi ni Ella.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon