OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 40

2.1K 51 6
                                    

CHAPTER 40

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

"Haaayy."

*blink.blink*

Eto na yata ang pang sampung hikab ko ngayong araw na'to, kulang pa kasi yung tulog ko. Oo. Kulang na kulang. Siguro mga 5 hours lang naging tulog ko. Hindi ko alam kung bakit nahirapan na akong makabuo ng tulog kagabi. Siguro dahil naka-idlip ako sandali kagabi. Ayan tuloy, ang resulta, mukha akong bangag na zombie.

Haay. Feeling ko pa makakatulog na ako dito sa desk ng upuan ko anytime.

WAG NAMAN SANA!

Nandito ako ngayon sa school at nag-te-take ng Prelim. Exam. Hindi ako masyadong makapag-concentrate dahil nga sa antok. Tss. Para tuloy akong bangag. Uminom naman ako kanina ng dalawang tasang kape para matanggal ang antok ko pero, bakit parang walang epekto? Hindi talaga yata effective yun sakin eh. Tsk. Tsk.

Habang nakaupo at nag-te-take ng exam ay may napansin lang ako. Kapansin-pansin naman kasi talaga. Sabi nung bantay namin kanina One seat apart daw, pero feeling ko half lang ng isang seat ang pagitan ko at ng katabi ko.

Anyare? Hindi marunong magsukat, ganon?

Dapat half seat lang ang tawag, hindi one seat. Tsk.

--- 

"Haaayy." tinakpan ko muli yung bibig ko para matago ang pag-hikab ko. Mahirap na baka makita ako ng bantay namin at pagalitan ako. Ibinalik ko ang aking tingin sa aking answer sheet nang mapansin ko ang palingon lingon ng katabi ko sa aking papel. "Hmmm?" nilingon ko lang sya tapos nginitian nya lang ako.

Yung totoo?

Kailan mangopya?

Wala ba syang sariling pag-iisip?

Tiningnan ko kasi yung answer sheet nya, pinagkumpara ko yung mga sagot nya sa sagot ko. Parang xerox copy ah? Yung mga wala pa kong sagot, wala pa din syang sagot. Yung mga may sagot na ko, may sagot na din sya. Yung totoo? May xerox machine ba sya? *sigh*

"Pssst..."

"Pssst..." 

"Pssst..."

Pssst-in mo mukha mo. Kahirap kayang mag-review tapos kokopyahin mo lang? Ano ka sinuswerte? Bhelat mo. Hindi ako nag-review para i-pakopya lang sayo. This time kasi tinatakpan ko na yung answer sheet ko everytime na mag-shashade ako ng sagot ko. Napansin ko kasi yung bantay namin na titingin tingin dito sa pwesto namin. Mahirap na, baka sabihing nangongopya ako o nag-papakopya. Kaya mas mainam ng takpan ko nalang yung papel ko.

"Number 45. It is the main markup language for creating web pages and other information that can be displayed in a web browser." mahinang bulong ko sa aking sarili habang binabasa yung question number 45. "Ano na nga to? a. HTML? b. CSS? c. tag? d. None of the above?" saka ako kumalumbaba sandali para mag-isip. "Ah okay, naalala ko na. Letter A. HTML." after non shinade-an ko na yung letter A sa answer sheet ko, after non tinakpan ko na ulit yung papel ko.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon