OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
***
Madilim.
Sobrang dilim. Wala akong ibang maaninag kundi ang kadiliman ng paligid. "Nasan ako?" bulong ko sa aking sarili na may pagtataka. Mula sa pagkakahiga sa malamig na sahig ay bumangon ako at dahan-dahang sinuri ang paligid. Wala. Wala talaga akong makita o maaninag manlang ni-kapirasong liwanag, sadyang napakadilim ng paligid. Kahit na ang aking sarili'y hindi ko na magawang makita.
Madilim. Sobrang dilim.
Sinimulan kong ihakbang ang aking mga paa, kahit hindi ko alam kung saan ako patutungo. Bahala na. Oo. Bahala na kung saan ako mapadpad, kung mayroon man akong patutunguhan o wala.
Habang patuloy sa paglalakad ay bigla na lang akong nakaramdam nang panlalamig. Hindi ko alam. Bigla na lang lumamig ang paligid ng hindi ko namamalayan. Sobrang lamig. Pakiramdam ko'y nasa loob ako ng isang refrigerator. Huminto ako sa aking paglalakad at niyakap ang sarili. Pakiramdam ko'y ilang sandali na lang ay mababalutan na ng yelo ang aking buong katawan sa sobrang lamig.
Hindi nagtagal ay napaluhod na lang ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na makayanan ang lamig. Namamanhid na ang aking buong katawan. Wala na akong maramdaman.
Nanggigilid na ang aking mga luha.
Ano bang nangyayari sa akin? Nasaan ba ako? Bakit ganito? Ano ba talagang nangyayari rito?!
Isa-isang kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Kusa na lang tumulo ang mga ito ng hindi ko namamalayan.
Makalipas ang ilang sandali ay napalitan ng init ang lamig. Ang kaninang napakalamig na lugar ay nagmistulang impyerno sa sobrang init. Nakakapaso ang init na taglay nito. Pakiramdam ko'y niluluto ang aking katawanan. Basang-basa na ako ng pawis. Bakit ganito? Ano bang klaseng lugar ito? Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Wala na akong lakas. Tuyong-tuyo na ako.
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Wala na akong sapat na lakas para tumayo pa. Pagod na pagod na ako. Hirap na hirap na. Gusto ko nang mamahinga.
Ayoko na.
Katahimikan...
Mula sa kawalan ay may narinig akong isang pamilyar na tinig, tinatawag nito ang aking pangalan nang paulit-ulit.
"JK."
"JK."
Kahit hinang-hina ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sandali akong napatulala sa kawalan. Ang kaninang madilim na lugar ay ngayo'y isang pamilyar na lugar na. Hindi na rin mainit o nakakapaso. Ang buong lugar ay bigla na lang nagbago ng hindi ko namamalayan.
Ano ba talagang nangyayari? Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa akin!
Dahan-dahan akong tumayo at inilibot ang aking paningin, sinusubukang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na kanina lang ay tinatawag ako.
Ilang saglit pa'y nakaramdam ako nang malamig na bagay sa aking balikat.
Basa.
Tumingala ako sa madilim na kalangitan at sinahod ang aking nakabukas na palad sa bumabagsak na butil ng tubig sa kalangitan.
Umuulan.
Mabilis akong naglakad para maghanap ng masisilungan. Isinantabi ko na muna ang paghahanap sa tinig na tumatawag sa akin, kailangan kong makahanap ng masisilungan.
Napahinto ako sumandali sa aking paglalakad ng may makitang liwanag na papalapit sa aking kinaroroonan. "Ugh... Nakakasilaw." tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang likod ng aking mga palad, hindi makayanan ng aking mga mata ang bagay na nakakasilaw.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Storie d'amore[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...