OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 49

1.5K 36 10
                                    

CHAPTER 49

OMG : Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

"Huh? Nasan ako?" tanong ko sa aking sarili habang inililibot ang aking paningin sa madilim na paligid. Wala akong maaninag, sadyang napakadilim nang paligid. Para akong nasa ibang dimensyon. Walang ingay o kahit na anong tunog na maririnig, wala kahit sino, tanging madilim na kapaligiran lang ang aking natatanaw.

Dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa. Sa una'y mabagal lang ang aking paglalakad, di nagtagal ay pabilis ito ng pabilis. Hindi ko alam kung bakit.

Nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako patungo, kung saan ako makakarating. Ang tanging alam ko lang ay naglalakad ako sa kawalan, tinatahak ang madilim na kapaligiran. Walang tiyak na pupuntahan.

Huminto ako sumandali. Pinakikinggan kong mabuti ang paligid. Ilang sandalli pa'y may naririnig akong ingay, pakiwari ko'y yabag iyon ng mga paa.

Pinakinggan ko itong mabuti. Sa bawat segundong lumilipas ay lumalakas ito, tila ba papalapit ito sa aking kinaroroonan.

Hindi nagtagal ay sinubukan ko itong hanapin, nagpalinga-linga ako sa madilim na paligid, ngunit bigo ako na makita ito. Sadyang napakadilim nang paligid, walang makita na kahit ano. Wala akong maaninag.

Makalipas ang ilang sandali ay nawala ang mga tunog na aking naririnig, dahil doo'y nagpatuloy na muli ako sa aking paglalakad.

Habang patuloy sa aking paglalakad ay wala akong ginawa kundi ang magpalinga-linga sa paligid, sinusubukang suriin ang kapaligiran.

Sa aking palagay ay malayo-layo na ang aking nararating mula sa kinatatayuan ko kanina nang unti-unting nagbabago ang itsura nang paligid. Ang dating purong kulay itim na kapaligiran ay napalitan ng isang pamilyar na lugar. Lugar na sa palagay ko'y napuntahan ko na dati ngunit hindi ko matandaan.

Huminto ako sa aking paglalakad, mula sa di kalayuan ay may natatanaw akong isang babae na tumatakbo. Tumatakbo patungo sa aking direksyon.

Napakabilis nang takbo niya, tila mo may hinahabol.

Patuloy lang siya sa kanyang pagtakbo, mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Hingal na hingal na siya, pagod na pagod.

Tumatagaktak narin ang pawis niya sa katawan.

Ilang sandali pa ay unti-unting nagdilim ang kalangitan, kasabay noo'y umihip ang malamig na hangin na nagpanginig sa aking buong katawan.

"Brrr..."Pinagdikit ko ang aking dalawang palad at pinagkiskis, para ako'y mainitan. Bigla nalang kasi akong nakaramdam ng sobrang lamig.

Tiningala ko ang madilim na kalangitan. Bubuhos pa yata ang malakas na ulan.

Nagsimulang magliwanag ang kalangitan, isang malakas na kulog at kidlat ang gumuhit sa madilim na kalangitan. Napatingin ako kung nasaan ang babae, nakatakip ang kanyang mga tainga ngunit patuloy parin siya sa kanyang pagtakbo.

Nagpatuloy lang siya sa kanyang pagtakbo habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga. Hindi niya pinansin ang nagbabadyang ulan, nagpatuloy pa siya sa kanyang pagtakbo. Walang lingon-lingon, diretso lang ang tingin.

Ilang sadali pa't nagsimula ng bumuhos ang ulan.

Dali-dali naman akong humanap ng masisilungan at hindi naman ako nabigo. Isang matandang puno ang aking naging silungan.

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon