CHAPTER 12
OMG : Oh My Ghost!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Nakatitig lang sila sa'kin.
Tila ba inaantay ang pagbuka ng aking bibig.
Sasabihin ko na ba talaga sa kanila?Ito na nga ba ang tamang panahon?
Oh, hwag nalang kaya muna? Hindi pa rin naman ako sigurado sa nakikita ko.
Nahihirapan akong magdesisyon.
*sigh*---
"Ano kasi... naniniwala ba kayo sa multo? Para kasing may nagpapakita sa'kin na isang babaeng multo, pero hindi ko din sigurado kung multo nga ba 'yon o namamalik-mata lang ako. At kung maaalala nyo yung matandang lalaki kahapon, may sinabi din kasi sya tungkol sa multo."
Tahimik lang silang tatlo.
Walang umiimik.Walang kumikibo.
Tila ba huminto ang oras nang mga sandaling iyon.
“Nagulat ba sila sa sinabi ko?”
Inaantay ko ang magiging reaksyon nila.
Nakakabinging katahimikan.
Ilang sandali pa ay nabasag ang katahimikan.
Isang malakas na halakhak ang sumira sa nakakabinging katahimikan.
"HAHAHAHA!" tumatawa ng malakas si Ed.
Kaya nag-aalangan akong sabihin sa kanila, dahil baka nga pagtawanan lang nila ko.Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang aking noo.
Kasabay noon nilagay din niya ang isa pa nyang kamay sa kanyang noo.Tiningnan ko lang siya.
"Bro, may lagnat ka pa ba?" tanong nito.
"Hmmm...Normal naman temperature mo.”“Nagbibiro ka lang diba?" dugtong pa nito.
Hindi ako kumibo.
Dahil totoo ang mga sinabi ko.
“Hindi nga Bro? Seryoso ka?" tanong nilang tatlo.
---
“Pssst…”
“Pssst…”
“Bro? Yoohoo?!”
“Hoy Bro!” kinaway kaway ni Ed ang kamay nya sa harap ng aking mukha.
“Bro? Ano na yung sasabihin mo? Natulala ka na dyan.” dugtong pa nito.
Natauhan ako bigla. Nang makita ko ang kumakaway kaway na kamay ni Ed sa harap ng aking mukha.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...