CHAPTER 50
OMG : Oh My GHOST!
TheGoodForNothingBoy
* * * * *
Dahan-dahan kong binuksan ang gate ng may pagtataka.
"Sino kaya itong nasa labas? Wala naman kasi akong inaasahan na bisita na darating ngayon, maliban nalang kung isa itong surprise visit. Pero... sino nga kaya ito?" tanong ko sa aking isipan habang dahan-dahan kong binubuksan ang gate.
Pagkabukas na pagkabukas nito ay bumulaga sa aking harapan ang isang pamilyar na mukha. Oo, isang pamilyar na mukha ng babae ang nasa aking harapan ngayon. Sa aking palagay ay kasing edad lamang siya ni Papa.
Nakangiti ito sa akin, kung kaya naman ngumiti rin ako bilang ganti.
Sandali akong napaisip.
Kilala ba nya ako?
Kilala ko ba sya?
Muli ay tiningnan ko ang kanyang mukha. Parang pamilyar nga, pero... hindi ako sigurado. Saan ko nga ba siya unang nakita o nakilala? Napahawak pa ako sa aking baba, tanda na nag-iisip ako.
"Saan ko nga ba nakita ang Aleng ito? Hmmm." kunot noong tanong ko muli sa aking sarili habang pinagmamasdang maigi ang mukha ng Ale sa labas ng gate.
Ngingiti-ngiti lang ito at para bang nagtatakang pinagmamasdan ako. "Good Morning." panimulang bati nito saka muling ngumiti sa akin. Mula sa kanyang likuran ay may lumabas na isang batang babae na may hawak-hawak na basket na puno nang prutas.
"Kuya JK, para sayo po." sabay abot sa akin nang basket na may lamang prutas. Umupo naman ako para mapantayan siya.
"Salamat." sabay patong nang palad ko sa kanyang ulo. Pagkaabot ko nang basket ay tumayo na ako at hinarap ang may edad na babae --- si Aling Susana. Ngayon ko lang napagtanto na siya pala iyon matapos makita ang kanyang anak.
Nagpagupit kasi siya nang buhok kaya hindi ko siya agad namukhaan. Nang unang beses ko kasi siyang makita noon ay lampas balikat ang kanyang buhok, pero ngayon ay hanggang balikat nalang ito. Kaya pala pamilyar siya sa akin, dahil nakita ko na nga pala talaga siya noon. "Kayo po pala Tita Susana, hindi ko po kayo agad namukhaan. Nagpaputol po pala kayo ng buhok." napahawak nalang ako sa aking batok dala ng pagkahiya dahil hindi ko agad siya namukhaan.
"Oo, mainit na kasi ang panahon eh", saka ito ngumiti. "Ah, sya nga pala, hindi ka ba namin naiistorbo?" may pag-aalalang tanong niya.
"Hindi naman po. Halika po kayo. Tuloy po kayo." saka ko binuksan ng husto ang gate para makapasok silang mag-ina.
"Papasok na kami ah?" tanong muli ni Aling Susana bago tuluyang pumasok sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok nilang mag-ina ay agad kong sinara ang gate.
Nang maisara ito ay agad ko silang sinundan ng tingin.
Pagkalingon ko sa aking likuran ay agad akong nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo. "Ugh..." Napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa hindi ko na makayanan pa ang sakit ng aking ulo. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nadarama. Para itong pinupukpok ng maraming martilyo.
ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! Ngayon ko nalang muli naranasan ang ganito, akala ko'y nawala ng tuluyan ito. Matagal narin kasi nang huling beses kong maramdaman ang ganitong sakit.
Lumipas ang ilang segundo at humupa na ang sakit na aking nadarama. Agad kong pinahid ang namuong pawis sa aking noo saka dahan-dahang inangat ang aking ulo para sundan ng tingin ang mag-ina.
BINABASA MO ANG
OMG : Oh My GHOST! [COMPLETED]
Romance[Unedited at wala nang balak isulat muli. Hayaan na. Remembrance na lang para makita ko kung paano unti-unti nagbago ang panulat ko. Maraming error. Pabago-bagong plot. Maging sa teknikal na aspeto. Mema-isulat lang.] Naniniwala ka ba sa multo? Oo o...