OMG : Oh My GHOST! - CHAPTER 19

3.6K 91 17
                                    

 CHAPTER 19

OMG :Oh My GHOST!

TheGoodForNothingBoy

* * * * *

Isang napakadilim na gabi, kasabay nito ay isang napakalakas na ulan at malakas na ihip ng hangin. Napakaraming mga di pamilyar na mukha ang  aking nakikita. Nararamdaman ko ang pighati at kalungkutan ng mga tao sa paligid, tila ba nakikisama sa kanila ang panahon. Kahit malakas ang buhos ng ulan mababakas sa mata ng nakakarami ang lungkot na nagkukubli sa kanilang mga mata. Kahit malakas ang ulan mababakas sa kanilang mga mata ang pag-agos ng mga luha.

 

“Wait… Same dream AGAIN!? Ano bang meron sa panaginip na’to? Bakit paulit-ulit ko itong napapanaginipan?

"John Karlo…”

“John Karlo..." Isang tinig ang aking narinig, tinig ng isang babae.

"John Karlo.." Paulit ulit niyang tinatawag ang aking pangalan.

-_-

=_=

o_o

Tila ako’y naalimpungatan. 

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nag-inat-inat.

 

*blink.blink*

 

Pagkamulat na pagkamulat ng aking paningin ay may kung anong tumawag sa aking atensyon. May kung anong bagay na nakaputi sa aking paanan.

Tao ba to? Bagay? Hayop? Pagkain? Lugar? Pangyayari? ANO?!

Isang tao pala.

ISANG TAO?!  

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at tinitigan ng mabuti ang PUTING BAGAY sa aking paanan.

1

2

3

4

5

“SINO KA?!” tanong ko sa babaeng nakatayo sa dulo ng aking higaan.

Paano siya nakapasok dito? Imposibleng dumaan sya sa bintana ng kwarto ko dahil nasa 2nd floor ito, pano 'yon lumipad sya? Nag-ala tarzan? Jane I mean. O baka naman sumakay sya sa magic broom stick? OA kana JK! Hindi din naman siya makakapasok sa front door dahil nakalock iyon. Hindi kaya member sya ng akyat bahay gang o kaya nama'y sugod bahay gang? Juan for All, All for Juan lang?  Pero wala naman sa itsura nya ang pagiging magnanakaw. 

PERO ANONG GINAGAWA NYA DITO? AT PAANO SYA NAKAPASOK DITO?

I NEED YOUR ANSWER, NOW!

Sa isang iglap, nawala itong parang bula.

Nanlaki nalang ang aking mga mata. Paanong bigla nalang itong nawala?  Naglahong parang bula. Hindi ito maaari. Nagsimula nang mag-tayuan ang aking mga balahibo kasabay noon ay ang panlalamig ng aking buong katawan. At dahil sa pagkawala nito bigla, nasisigurado kong isa nanaman iyong ligaw na kaluluwa. WTF?!

OMG : Oh My GHOST!  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon