"Tita, bakit ang bilis naman? Di ba pwedeng tapusin ko tong school year na to?" Sabi ko sa tita ko.
Ka skype ko ang titia ko, kausap ko siya
"Beh, ganun talaga. Nasabi ko na sa tatay mo ang tungkol dito."
"Tita?!"
"Di mo parin ba napapatawad ang tatay mo?" Pagiiba nya
"Gusto ko sana..."
"Pero naalala mo ung dati?"
Tumango ako
"It's been a year jen. Tapos na eh? Anong magagawa natin?"
"Hayy. Pero paano ko masasabi to sa mga kaibigan ko"
"Yan ang di ko alam. Pero jen, sorry ha, napaaga tuloy ikaw ng alis. "
Nag pout ako.
"Siya bye na. See you! And i miss u "
Pinatay na nya ang skype nya.
Kinuha ko ang phone ko at binasa ang mga text na natanggap ko mula sa kanila.Paano ko sasabihin sa kanila to?
Tinext ko si jane.
Sorry di ako nagrereply.
Message sent0921*******
Jen?! Kamusta? Bat di ka nagrereply?Jane. Pwede ba kitang makausap?
Message sent0921*******
Syempre.Personal
Message sent.Tinagpo ko si jane pagkatapos ng klase nya sa isang coffee shop.
"Jen!" Dali dali nya akong niyakap.
Umupo siya sa harapan ko."Sinabi mo ba kay corrinne to?" Tanong ko,
"Hindi eh. Di ko kasi siya nakasal-"
"Wag mong sabihin please?"
"Bakit? Bestfriend mo si corri-"
"Please?"
Nagtataka siyang tumingin sa akin."Please jane?"'
Tumango nalang siya.
"Promise ka."
"Promise." Sabi pa nya.
Napatingin si jane sa akin.
"Jen, be honest! Are you okay?"
Tumingin ako sa kanya.
Normal lang na tanong yon. Pero bat ang sakit?
The moment na tinanong nya sakin yon. Doon doon ko narealize naHindi, hindi ako ayos.
Umiling ako habang nakatingin kay jane. Napaiyak na ako ng tuluyan. Niyakap nya ako. Yun lang naman ang kailangan ko.
"Anong problema?" Tanong nya.
"Im leaving, kukunin ako ni tita. Sa ibang bansa na ako magaaral."
"Jen. Its ok. Pero bakit di mo sinabi agad samin to?"
Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin."Madami akong nasasaktan."
Aaminin ko. Lumalim ang pagkakaibigan namin ni kealu. Bago sabihin sa akin ni tita na aalis ako umamin si kealu sa akin. Sa oras din na iyon. Sinagot ko siya.. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang ang bilis ng oras. Nung nalaman ko na aalis ako nakipaghiwalay ako sa kanya. Di ko sinasagot ang mga tawag nya. Ayokong madamay siya dito. Mas gugustuhin ko na magalit nalang siya sa akin. Alam ni corrinne ang tungkol dito. Alam kong nasaktan ko siya pero di ko alam kung anong pumasok sa isip ko.
"Si corrinne, ikaw, si papa, ung kapatid ko, si kealu, si--"
"Jen."
Sinabi ko kay jane lahat, lahat ng iniisip ko. Di ko maintindihan eh. Sa dami ng gusto kong gawin. Ni isa wala akong natapos. Tama ba tong ginagawa ko?
-------------
Inayos ko ang damit ko at nilagay ang bag ko sa likod ng kotse na magdadala sa akin sa airport. Di ko parin nasasabi sa kanila to. Ang bilis naman talaga ng oras.Tinawagan ko si corrinne pero walang sumasagot. Siguro ay busy sya sa school ngayon.
Sinubukan kong tawagan si jane. Di rin siya sumagot. Umandar na ang kotse ko.
Sinubukan ko ulit at sa pagkakataong ito. Sumagot si jane."Hello jane? Kasama mo ba si corrine?"
"Oo bakit ka napatawag?" Tanong nya
"Jane kasi ngayon ung araw ng flight ko papunta s-"
"Ano" sabi niya
"Eh kasi jane.."
"Aalis ngayon??" Sabi pa nya
"Oo eh."
"Alam na nila to? Pano si.."
"Yun nga. Tinatawagan ko siya pero di siya nasagot eh. Jane, papunta na ako sa airport."
"Jen! Di magandang biro to"
"Jane" narinig ko na may tumawag sa kaniya mula sa kabilang linya
"Anong? Sinong aalis?" Boses ni corrinne yon"Jane, "
"Ako nang bahala jen" binabaan nya na ako
Buong byahe inisip ko kung anong katangahan ang ginawa ko. Bakit noon di ko sinabi sa kanya.
Bumaba na ako ng kotse. Iniintay ko nalang na tawagin ako."Jen!" Narinig kong may tumawag sa akin. Lumingon lingon ako.
"Halika nga dito!" Tawag ni corrinne.
Lumapit ako sa kanya.
"Nakakainis ka! Bakit di mo si-"
"Im sorry. " sabi ko
"Bakit di mo sinasagot ang text ko?"
"Natakot ako"
"Duwag ka! Ayaw mong harapin lahat"
"Corrinne, nahihiya ako sayo. "
"Jen, noong nakilala ka palang ni kealu, tinanggap ko na na kaibigan ko lang sya."
"Hindi mo ba nakikita? Jen, the way he looks at you, isn't the same way she looks at other girls."
"Ibang ibang sa pagtingin nya sakin" habol pa nya."Sorry. Di ko man lang natanong kung nasaktan kita. Kung-"
"Tapos na eh. May magagawa pa ba?"
"Sorry" niyakap ko ang kaibigan ko. Sa di kalayuan natanaw ang ang isang pang taong nasaktan ko.
"Kealu" bulong ko.
Umalis ako sa pagkakayakap ko kay corrinne at nilapitan ang hingal na hingal na si kealu.
"Kealu napatawad mo na ba ako?"
"Di naman ako naggalit sayo" sabi niya.
"Sorry" tuluyan na akong napaiyak
Niyakap nya ako.
"Iintayin kita. Pangako."
Wala akong sinabi, sahalip niyakap ko siya ng mahigpit.Hanggang sa tawagin ako.
Ang bilis naman. Aalis na ako..-----------
End of jen's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Genç KurguWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...