Chapter 7: (jane's pov)

42 1 0
                                    

Nakarating na kami sa gate.

"Hala! Jane! Wala ka pang sundo?" Sabi ni corrinne

"Parating nanaman din!" Ngumiti ako

"Oh siya mauna na kami" sabi ni jen

"Sige! Bye bye!" Sabi ko.

Nagpaalam na ako.

Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito

From: Mallows
Hows your day?

To: mallows
Masaya! Kasama ko friends ko.

Bestfriend ko si mallows, nakilala ko siya noong nasa ibang bansa pa ako. Napakabait nya at napakasweet. Kaming dalawa nga lang ang magkaibigan sa ibang bansa dahil kami lang ang pinoy doon. Nakabalik na siya sa pilipinas ngayon. At masaya ako na nakita ko siya ulit!

From: mallows

Gusto kong makilala friends mo. For sure masaya silang kasama kesa dun sa dati mo. Wag mo nang alalahanin yon! Andito lang kami. :)

Napangiti ako.
****
"Sinong nagpaiyak sayo?" Inalok nya ako ng panyo.

Tumingala ako para makita siya.

"Mallow!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya. Ang tunay na bestfriend ko.

"Boyfriend mo?, hala! Susuntukin ko talaga yon" umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo ulit,

"Ang panget mo talaga pag naiyak." Pinahiran nya ng panyo ang luha ko.

"Ako na" kinuha ko ang panyo at pinahid sa mga luha ko.

"So ano nga? Boyfriend? Matagal na akong hindi nakikipagsuntukan"

Umiling ako. "Bestfriend" pahabol ko,

"Ako?"

"Hindi iba"

"Bakit anong ginawa nya?"

"Niloko nya ako, ginamit nya ako" naluha ulit ako,

"Wag ka nang umiyak! Andito naman ako ah? Bestfriend mo ako diba?"

Tumango ako.

"Hanggang huli na yun"

Ngumiti ako.

"Halaaa! Teka!" Tumayo siya

"Oo nga pala! Baka nasa bahay na yung mga yun" dugtong pa nya.

"Sino?"

"Kababata ko" sabi nya. Inayos na nya ang damit nya.

Napansin ko ang basa nyang damit. Siguro ay dahil sa pagiyak ko sa kanya. Dahil siguro sa pagyakap ko.

"Punta ka samin? Para makilala mo"

"Wag na, time nyo yun eh, basta sa susunod ako naman ang yayayain mo ha?" Sabi ko

"Sure ka?"

Tumango ako. Niyakap nya ako.

Namiss ko talaga siya,

"Basta wag ka nang iiyak pa ulit! Ang panget sayo! Di bagay!" Tumalikod na siya at nagsimula na siyang maglakad.

"Oo! Thank you Mallow!" Sigaw ko sa kanya

Humarap ulit siya sa akin. "Walang anuman Hershey!" Tapos nag bow siya.
****
Ngulat ako ng may tumigil na kotse sa harapan ko. Si mang tony.

Pumasok na ako sa kotse.

Naramdaman ko ulit ang cellphone ko sa bulsa ko.

From: mallow
Aaminin ko na sa childhood friend ko na gusto ko ang friend nya.

To: mallow
Binata ka na talaga! Go! Support kita diyan!

From: mallow
Thank you Hershey.

Napangiti ako. Binata na talaga siya. Parang dati inaasar asar ko pa siya. Ngaun umamin siya sa akin kung sino ang crush nya,

Natatawa tawa ako habang tinitignan at binabalikan ko ang alaala namin noon.

Ang masayang tawanan,

Si cat-woman at superman

Ang pagpapalipad ng papel.

Ang englisherong mga kaklase.

Ang tampuhan namin kasi hindi nya ako pinapahiram ng ballpen.

Ang pagbigay nya sa akin ng paborito kong hershey.

Ung nalaman kong paborito nya ang mallows,

Talagang natutuwa ako sa kung anong narating namin.

Talaganag nakakatuwang balikan ang lahat. Lalo na ang araw na nakilala ni jane si kealu.
----
End of jane's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon