Chapter 1 (seyzie's pov)

93 4 0
                                    

Kinuha ko ang libro ko sa locker ko. May quiz nanaman kami bukas.

Malungkot ako sa nakuha ko sa grade ko ngayon. May 92 ako. Kailangan kong mabago ang grade ko.

Tinignan ko ulit ang top bago lumabas. Pangalawa ako at nangunguna nanaman si justin.

Parati kami ni justin ang nagaagawan makuha ang top 1.

"Nice try sayzie!" Natatawang sabi ni justin nung masalubong ko siya.

Nagtawanan din ang mga kaibigan nyang lalaki.

Ang yayabang talaga. Porket naunahan nya lang ako this quarter.

Buti pa siya. Kahit top siya may mga kaibigan siya.

Napatulala ako habang naglalakad kaya di ko napansin na may mabubungo ako.

*boogshh*

"Ayy" sabi nya

Hala patay!

"Sorry, sorry po." Kinuha ko ang mga librong nalaglag

"Okay lang.. Ako nga dapat magsorry di ako nakatingin sa dinadaanan" nakangiting sagot nya. Tinulungan din nya akong ayusin ang mga gamit na nalaglag.

Ang sarap ng pakiramdam na may nakipagusap sa akin. At isa pa sa member ng gg. Ang pinakasikat na group sa school na to..

"Wahh! Ang bait nyo po talaga ate jane" sabi ko

"Salamat" nakangiting sagot nito tapos nagpaalam na siya at umalis na.

Ang bait bait nya talaga...

Umuwi na ako sa bahay.

Pag uwi ko ginawa ko na ang usual na ritual ko. Ang magbihis. Kumain at magaral.

Kailangan ko talagang mabawi ang grade ko. Para makaganti ako dun sa mayabang na justin na yon.

-----

End of sayzie's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon