Chapter 9 (seyzie's pov)

32 0 0
                                    

Nagaaral ako ng biglang may tumabi sa akin

"Bat ang talino mo?" Sabi ni hiro sa akin.

"Huh? Eh nagaaral lang talaga ako" sagot ko

"Siguro nagchecheat ka" sabi nya

Natawa siya..

"H-ha?"

"To naman! Di na mabiro! Syempre joke lang yon" sabi pa nya.

Pinilit ko nalang tumawa.

"Hiro halika may joke ako!" Tawag ni steff

"Teka ha!" Dali dali naman siyang pumunta sa grupo nya.

Baka naiisip nila nangongopya ako. Hala hindi, hindi ahh!

"Tulala ka?" Nagulat ako ng biglang hawakan ni justin ang braso ko

"W-wala!"

Biglang nagsibalikan sa kanilanilang upuan ang mga kaklase ko. Dumating na kasi ang teacher namin

"Announcement!" Sigaw ni maam

"Magkakaroon kayo ng play para sa nalalapit na english day,"

Nagsibulungana ng mga kaklase ko.

"Maam anong play ang gayawin namin?" Tanong ng isa kong kaklase

Rinig kong nagbulungan ang mga nasalikod ko
"Sana titanic nalang"
"Oo nakakaiyak"
"Oh di kaya twilight?"
"Baka naman walking dead"
"Yuck!"
"Ang saya kaya non!"

"Class ibibigay ko na ang script pag naayos na natin ang mga magiging cast!"

"Sana ako bida" rinig kong bulong nang nasa likuran ko.

"Okay! Ang play na gagawin nyo ay little red riding hood"

"Yuck"rinig kong bulong nila
"Wth? Little red riding hood?"

"Iniba naman namin nandun parin ang kwento pero dinagdagan pa namin para may twist!!" Saad ni maam. "Magprapractice na kayo sa bukas, wed."

Nagayos na si maam. Ibinigay nya narin ang mga characters na napunta sa amin. At syempre amg bida nasa kabilang section.

"Okay so ang wolf si justin na talaga?" Sabi ni maam

Nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Yes maam!" Sigaw pa nila

Napagbotohan kasi na si justin ang maging wolf. Magaling kasi umakting si justin.

"Okay! So kelangan ko ng moon saka sun!" Sabi ni maam

"Kelangan pa yun maam?"

"wala kasing magiging role yung iba sa inyo, kaya dinagdagan namin ng cast, so sino?" Sigaw pa ni maam

"Si hiro! Gawin nyong sun maam!" Sigawan nila.

"Hoy! Bat ako?!" Nakasimangot na tanong ni hiro

Nagtawanan lang sila.

"Nakakainis kayo!" Sigaw pa ni hiro.

"Maam! Si seyzie sa moon!" Turo ni justin sa akin
Nagtawanan sila

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang nakangiting si justin.

Napaka..

Pero ayos narin to. May dagdag grade ako kahit papaano.

"Okay! Buo na ang cast!" Sabi ni maam

"Maam sino yung bida?"

"Si andrea"

Laging si andrea ang naganap diyan, mismong teachers pa ang napili na siya maging bida. Magaling kasi siyang umarte. Talagang damang dama mo ang bawat eksena. Parang artista talaga

"Btw' seyzie kukuha ka ng exam later ha" pahabol ni maam bago siya umalis
--
Recess na nila tapos ako kukuha ng exam, dederetsyo sana ako sa special classroom para magtake ng exam pero nakita ko bigla na may ginagawang kalokohan nanaman si pamela. Napansin ko rin na nagtatawanan sila habang parang may nilalagay sa bag ni andrea.

"Pamela! Baka may makakita?"

"Duwag!"

"Eh pano kung malaman nila na tayo naglagay nan sa bag ni andrea?"

"Tumahimik ka nalang!"

Naglakad na ako palayo dahil naramdaman ko na palabas narin sila. Teka ano nanaman bang balak nila?

------
End of seyzie's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon