Chapter 5 (jane's pov)

70 2 0
                                    

"Class dismiss"
Monday~

Nagsitakbuhan na ang mga estudyante palabas. Half day lang kaya doble ang saya nila ako minalas,Cleaners ako dahil ang ingay ko kanina. Kesa naman mapatawag sina mami edi maglilinis nalang ako. Ayoko din magka detention!.

"Jane, sorry talaga naaccidente kasi ung pinsan ko. Pinapauwi ako ni mami ng maaga" pinakita nya sa akin ang text ng mami nya.

"Ah, okay sige. "

"Sorry talaga"

"Okay lang"

Lumabas na si betty sa room. Wahh! Andaya naman! Dapat kasama ko si betty ngayon kasi siya naman talaga ang maykasalanan kung bakit anglakas lakas ng tawa ko kanina.

Nakita ko si andrea. Baka naman pwedeng samahan nya ako. Di ko narin siya feel eh. Puro xander nalang.

"Andrea! Samahan mo ko"

"May date kami ng BOYFRIEND KO"

"Ganun ba?"

"Oo, saka kasalanam mo yan, mandadamay ka" inirapan nya ako tapos lumabas sya.

Attt. Yes. Naiwan akong magisa sa room. Nakow. Sa susunod magdadala na ako ng tape. Para di ako makatawa ng malakas. Napagalitan pa tuloy ako. Pina squat pa. Waahh!

"Oh may gee!" Mabagal na bigkas ng isang babae

Napalingon ako sa nagsalita.

"Where's your "BESTFRIEND""? Sabi ni Pamela. Ang leader ng cutie girls na di naman cute. Wth?

Nagpatuloy nalang ako sa pagwawalis.

"Ay kawawa" sabay na bigkas nung dalawa nyang kasama.

"Super loser ka kasi jane" sabi ni pamela tapos umupo siya sa desk ng upuan.

"U know, andrea doesn't like you! Kinaibigan ka nya because she know that u can beat her popularity!" Sabi ni pamela.

Napatigil ako at napatingin sa kanila. Tinaasan ko sila ng isang kilay.

"Then?" Mataray na sinagot ko sila.

"Look jane, parati ka nalang bang number 2?"

Napaisip ako. Yes parati akong number 2. Pero wala lang naman sakin yun. Dahil ang mahalaga ang friendship namin ni andrea

"I dont care" tumalikod na ako at nagpatuloy sa pagwawalis.

"Secret lang natin to jane ha." Sabi ni pamela sa akin. Lumapit siya at bumulong "She's backstabbing you!" Natawa ung dalawa.

"Manhid forever! Jane, u want prove?" Tumalikod na si pamela at lumapit sa dalawa niyang kaibigan.

"Here's the prove!"

Nilabas nung isa sa mga babae ang cellphone nya. At narinig ko ang boses ni andrea na nagsasalita. Nirecord nila ang sinabi ni andrea.

Pamela: Teka, Where's jane?, your bestfriend forever?

Andrea: Never ko siyang naging bestfriend!

Napatigil ako sa paglilinis
Pamela: Teka, Where's jane, your bestfriend forever?

Andrea: Never ko siyang naging bestfriend!

Pamela: Teka, Where's jane, your bestfriend forever?

Andrea: Never ko siyang naging bestfriend!

Paulit ulit nilang pinaplay yon. Si andrea nga yon. Boses nya yon.

"Now tell me jane, yan ba ang bestfriend mo?"

Tuluyan na silang lumabas.

Does that mean na sa oras na magkasama kami parang normal lang ang tingin nya sa akin? Kaibigan ba talaga nya ako? Kasi ako oo, tinuring ko siyang kaibigan.

Tinigil ko ang pagwawalis. Bahala na kung pagalitan ako kinabukasan. Tumakbo ako at tumigil sa isang puno. Doon binuhos ko kahat ng sakit. Kaibigan ko si andrea pero ang malaman ko na ginagamit lang nya ako para mas pasikatin ang sarili nya ay masakit. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko.

"Sinong nagpaiyak sayo?" Inalok nya ako ng panyo.

Tumingala ako para makita siya.

"Mallow!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya. Ang tunay na bestfriend ko.

-----

End of jane's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon