Pauwi na sana ako halfday lang kasi may laban ng basketball at volleyball. Kaya lang hinarangan ako ni justin
"Nerd!"
Lumingon ako sa kanya
"Manood ka ng basketball"
"Ayoko, may gagawin pa ako" lier, paano ka natutong mag lie?
"May kasalanan ka pa saakin"
Tinignan ko siya ng parang nagdududa ako.
"Uhm, nas-nasugatan. Tama nasugatan ako sa paa kasi tumakbo ako."
"Talaga? Bat di mo sinabi agad? Patingin nga!" Pilit kong tinitignan ang sugat nya sa paa.
"Ma-magaling na!"
"Ay ang bilis?"
"Ganun talaga ako!." Inirapan nya ako
"Eh magaling na pala eh. Edi wala na akong kasalanan" tipatalikod na sana ako pero pinigilan nya ako.
"nabali tong kamay ko kasi...sinabot ko yung kapatid mo! Ang taba kaya!" Nagaacting pa siya na masakit ang kamau nya.
Natawa ako, inferness kahit ako di ko mabuhat buhat si sean, antaba taba kasi.
In the end. Talo ako, sumama ako sa kanya. Manonood lang naman. Di naman date diba?Natapos ung basketball, nanalo sina justin. Ito rin ung isang dahilan kung bakit ang taas ng grade nya. Dahil sa academic nya. Wala kasi ako non. Bihira lang ako sumali.
Lumapit siya sa akin kahit pawis na pawis siya.
"Wag ka munang umalis" pagod na pagod siya.
Tumakbo siya pabalik. Magshoshower lang siguro.
Tumayo muna ako at lumabas, ang init sa gym andaming nagpupuntahan sa gitna para yakapin ang nanalo.
Napansin kong umiiyak si jane. Tumakbo siya papunta sa may puno. Tumakbo ako para puntahan siya. Malay mo kailangan nya ng tulong.
Pero may lalaking lumapit sakanya. Inalok siya nito ng panyo. Niyakap naman siya ni jane. Malayo ako para mapansin ni jane.
Di naman tagaschool namin tong lalaki. Ngayon ko lang siya nakita. Sino kaya siya?
"Seyzie!"
"Ay palaka!" Nagulat ako nalaglag ko tuloy ang salamin ko, buti nalang nasambot ko. Lumingon ako kay justin
"Tara?"
"Tara saan?"
"Celebrate natin pagkapanalo ng team?"
"Bakit ako?"
"Wala nang angal angal pa." Kinuha nya ang kamay ko.
Naramdaman ko ang mabilis na takbo ng puso ko. Nakow! Baka magkakasakit nanaman ako sa puso. Baka bumalik nanaman. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito.
Tug tug tug tug. Malakas ang tunog nito. Rinig kaya ni justin to?
"Namumula ka? Masakit ba pagkakahawak ko sa kamay mo?" Tinanggal nya ang pagkakahawak sa kamay ko. Tapos naglakad kami.
"Wag kang magalala, libre ko" natawa tawa pa siya pero ako wala akong reaksyon.
Ewan ko di ako makapagsalita eh.
"San mo ba gusto kumain?"
"...."
"Sa projectpie kaya?"
"...." Nakatulala lang ako.
"Ayos ka lang ba talaga seyzie?"
"Ah? Ano?"
"Sa projectpie tayo kumain" alok nya,
"Ah o-oo sige" nauutal na sagot ko.
Parang ang init init ng muka ko. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano bang nararamdaman ko? Pacheck up ako bukas.
----
End of seyzie's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...