Chapter 9 (Jane's pov)

39 0 0
                                    

"Girl narinig mo ung balita?" Nagtatakbong puminta si betty sa akin

"Anong balita?"

"Ung tungkol kay seyzie"

"Oh tapos?" Inayos ko na ang bag ko at nagsimula nang maglakad palabas ng room.

"Nasuspended siya" napatigil ako, ano daw? Paano?

"Ha? Paano?"

"Nahuli daw na nangongodigo"

Di parin ako makapaniwala. Paano nangyari yon?

Nagpatuloy kami sa paglalakad

"Wait, at hindi lang yon"

"Oh ano?" Sabi ko

"Umamin si andrea na sa kanya galing un"

"Ah tap- wait? Si andrea?!" Gulat na tanong ko

Tumango siya bilang sagot

"Kahit ganon si andrea. Di siya nangongodigo noh"

"Pero, siya mismo ang umamin eh. Nakonsensya siguro siya"

"Ay mauna ka na pala. May kukunin lang ako sa office ni maam judy" nagtatakbo na si betty palayo sa akin.

Hindi kaya?

1. Binayaran siya para umamin na sa kanya un kahit hindi?
2. May crush siya kaya nagpapakitang gilas?
3. Nagbago na si andrea!
4. Despirada na siya magkaroon ng kaibigan
5. May gumawa sa kanya nun.

Imposibleng ginawa ni andrea un, kilala ko siya.

Pagkauwi na pagkauwi ko tinawag ako ni dadi sa office nya.
Tinanong nya ako tungkol sa university na papasukan ko pagkagraduate ko ng highschool.

Sa totoo lang, wala pa akong naiisip na university na pwede kong pasukan. Ilang months nalang pala at graduate na ako. Ang bilis naman masyado ng oras.

Habang nagaaral ako para sa exam kinabukasan nagulat ako ng tawagan ako ni jen

"Jane, di muna ako papasok bukas paki sabi kay maam"

"Bakit? Saka bat ka umiiyak?"

"Jane.. Jane si lola.. Jane wala na siya"

---
End of jane's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon