Chapter 4 (Corrinne's pov)

66 2 0
                                    

"Grabe namiss kita corrinne!" Sabi ni kealu sa akin habang nakain kami dito sa food court.

"Oo grabe! Dati dala dala mo pa ung stuff toy mong aso sa mall"

"Ayy oo grabe! Nawawala na nga yon eh!" Grabe ang pogi pogi talaga ng kababata ko. Bata pa lang ako poging pogi na ako sa kanya.

"Ehem!" Sabi ni jen

"Si jen nga pala! Grabe friend sorry nakalimutan kita" natatawang sabi ko.

Kumaway naman si jen kay kealu.

"Siya ung kwenekwento ko sayo" bulong ko kay jen para di marinig ni kealu.

"Corrinne! Dalaw ka nga pala sa bahay, namimiss ka na ni mami." Sabi ni kealu sa akin.

"Oo ba, kaya lang makikita ko nanaman ung masungit mong kapatid"

"Haha, di na masungit yon! Dalaga na eh" sabi ni kealu sa akn.

Nung bata kami. Parating panira moment si kelly sa amin.

Flashback.

Nagtatakbo si kealu papunta sa akin.

"Corrinne!" Inabot ng batang kealu ang bulaklak sa batang si corrinne

"Ang ganda !" Kinuha ko iyon.

"Paglaki ko bibigyan kita mas madami diyan!"

"Talaga?"

"Oo ba"

Tapos makikita ko ung kontrabida na naglalakad palapit sa amin.

"Hoy kuya! Hinahanap ka ni mama."

Napatingin naman kami kay kelly. Napatingin si kelly sa bulaklak na hawak ko

"Ayun! Nasayo lang pala!" Kinuha nya ung bulaklak sa akin.

"Hinahanap kasi to ni mama. Nagkulang ung ibibigay namin na bulaklak para sa puntod ni lola."

Hinila nya ung kamay ni kealu tapos pumasok na sila sa loob.

Napaka panira moment!

End of flashback.

Napansin kong text ng text si kealu. Wala na ang atensyon nya sa akin. Di tulad nung bata pa ako. Napatingin din ako kay jen may ka text din.

"Kealu! Sino yan? Girlfriend mo noh? Kwento ka!" Sabi ko.

Please lord sana hindi. Wahh akin lang dapat siya.

"Ah eto? Hindi ko girlfriend to"

Napangiti ako. YES! YES LANG!

"Eh sino yan?"

"Bestfriend ko si Hershey"

Ako childhood friend lang nya tapos un? Bestfriend? Okay lang maglelevel up agad kami sa syota. Yun panes!

"Chocolate?"

"Ah! Mahilig kasi un sa hershey, favorite nya" nakangiting sagot nya.

"Pakilala mo sakin yan!"

"Oo ba! Papakilala ko siya sayo syempre" sabi ni kealu sa akin

"Friend! Uuwi na ako! Hinahanap na ako ni mama"

"Naku! Pagabi na pala! Alis na kami kealu!" Tumayo na kami

"Oo nga! Salamat sa treat!" Nakangiting sabi ni jen

"Hatid ko na kayo!" Alok ni kealu.

---

Nandito ako sa kotse nya. Sosyal noh? May kotse. Kotse daw un ng dadi nya. Nahatid na namin si jen sa bahay nila

"Text ng text si Hershey ah?"

"Baka nga siya" napangiti siya.

Tinignan ko at nakita ko ang name ni kelly.

Hay nakow. Haha

Tumigil na siya sa bahay ko. Bumaba na ako. Nag wave ako sa kanya. Pero di parin siya umaalis. Binaba nya ung bintana nya at may sinabi sa akin.

"Punta ka sa monday sa bahay!" Pasigaw nyang sinabi sa akin para marinig ko.

"Agad agad?"

"Oo! Sunduin kita sa school mo!" Sabi nya

"Sama mo kaibigan mo!" Dugtong nya. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam. Tapos umandar na

Ang pogi talaga nya.

Tinext ko si jen

Im home! May kwekwento ako sayo! :)

Message sent

----------

End of corrinne's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon