Chapter 10 (andrea's pov)

22 0 0
                                    

Inayos ko and buhok ko at damit ko. Katatapos lang namin mag practice para sa play namin.

"Andrea!" Napalingon ako sa tumawag sa akin
Lumapit naman ako sa kaniya

"Bakit mo ginawa yon?" Sabi ni seyzie sa akin

"Ang alin?" Tanong ko

"Bakit mo dinamay ang sarili mo? Ako ang may gawa nun?"

"Alam ko seyzie. Di mo magagawa yun, saka tapos na eh."

"Ikaw tuloy ung nabigyan ng parusa" paiyak na sabi niya

"Kasalanan ko to. Masyado akong nagpapaapi" mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.

"Si pamela right?"

Mula sa pagkakalagay ng ng mga kamay niya sa muka niya. Inangat nya ang ulo niya sa akin at tumigin sa dalawang mata ko

"N-no"

"Ayaw mong mapahamak si pamela?"

"Hi-hindi siya ang may gawa" pagsisinungaling nya

"Hindi ka magkakaganyan ng di dahil sa kaniya."

"An-andrea"

Ngumiti ako. "Akong bahala" nagsimula na akong maglakad palabas

"Andrea wag" hinawakan niya ang braso ko na naging dahilan ng pagtigil ko

"Ako dapat ang sisihin. Kung- kung hindi ko inagaw lahat sana ayos pa kami. Saka Andrea, ayokong mapahamak si pamela dahil sakin. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya."

"Seyzie. Shunga ka ba? O sadyang puro math formulas ang nasa isip mo, nadamay ka na sa kalokohan niya. Kaya ko si pamela. Maniwala ka, tutulungan kita" ngumiti ako

Inintay ko ang sasabihin nya.

Pero sa halip na magsalita. Nakita ko ang pagngiti niya. Isang dahilan para mapatakbo ako sa gym kung nasan si pamela.

~
May laro ngayon kaya madaming tao. Nagsisigawan sila sa kanilang mga paborito. Mula sa taas ay natanaw ko si xander. Sa gilid naman sa baba nakita ko ang hinahanap ko. Nakipagsiksikan ako sa mga tao para mapalapit kay pamela.

Umupo ako sa tabi niya

"Napakagandang laro? Sana fair ung game noh?" Tumingin si pamela sa akin. Halatang kinabahan siya.

Pero ilang sigundo ngumiti ulit siya. "Im sure, ang galing talaga ni xander"

"I know," ngumiti ako

"Sayang, manloloko" pabulong na sabi niya . nawala ang ngiti mula sa mukha ko. Naginit ang muka ko.

"Manloloko?"

"Makwento ko lang. Ang gentleman niya noh? Nililibre nya ako ng lunch?, tapos.."

"What do you mean?" Tumingin ako sa kaniya

"I mean, sabay kami nakain" nakangiting tumingin siya sa akin.

"Ang ahas mo talaga noh?"

"Oo, kaya nga nakuha ko siya eh"

"Hindi siya sayo." pinipigil kong magalit. Ayokong masira tong game na to.

"Okay, just telling, oh, btw? Kamusta yung practice ng play? Di ako nakasali. Pinanood ko kasi si xander. Chinicheer ko lang" ngumiti siya

Di ko nalang siya pinansin

"Halatang ang saya saya niya. Ilang araw na ba kayong di magkasama? Baka kasi magkasama kami nung mga panahong yon"

pansin ko rin ang pagiwas ni xander sa akin. Ang paliwanag naman niya ay may practice sila or may exam.

Tumayo ako naglakad ako palayo kay pamela. Bakit ganon? Imbis na siya ang mainis ko. Mas nainis pa ako sa kaniya

May tumulak sa akin. Dahilan para malaglag ako sa sahig.

"Ano bang problema mo!" Sigaw ko kay pamela

"Ang problema ko? Nakaharang ka kasi sa view" sabi ni pamela.

Pinipigil ko ang luha ko. Galit na galit na ako

"Wala ka bang manners? Oh sadyang mga bobo ka lang. Hinabol mo pa talaga ako?"

Ngumiti si pamela.

"Sorry" tumalikod siya sa akin. Di dahil sa inis ay nahila ko ang buhok ni pamela dahilan para mapasigaw siya ng malakas

"Sorry!" Sigaw ko.

"Ang sama sama mo!" Biglang humagulgol sa pagiyak si pamela.

"So ako pa ang may kasalanan?!"

"Cheeter ka na nga! Bully ka pa!" Sigaw pa nya

"Wow best actress!" pumalakpak ako. "Sana ikaw nalang ung gumanap sa role ko sa play?"

"Wala naman ako ginagawa sayo!" Sigaw nya

"Eh kamusta ung pagtulak mo kanina? Napakaga-"

"Okay ka lang pamela?"

Napatigil ako sa pagsasalita nung nakita kong lumapit si xander kay pamela. Inayos niya ang pagkakaupo nito

"Babe?" Sabi ko

"Pamela, punta tayo ng clinic"

"Babe kinakampihan mo siya?"

Inayos niya si pamela.

"Xander! Di kita mainitindihan"

"Andrea, stop" sabi niya sa akin

"Anong stop? Xander?"

"Enough!" Sigaw niya

"Ano bang problema mo? Gusto mo siya? Xander ganan ka na ba kabu-"

"Andrea. Lets talk about this later"

"Hindi! Gusto ko ngayon na!" Tuluyang umiyak ako

"Andrea"

"Gusto mo pa ba ako? Mahal mo pa ba ako xander?"

"Andrea"

"Ay mali, minahal mo ba talaga ako?"
Biglang sumagi sa akin ang sinabi ni seyzie sakin noon. Di kaya tama siya? Hindi kaya, hindi nya talaga ako mahal?

Tumungo siya

"Xander, how dare you!"

"Ang sama sama mo! Ang sama mo!" Galit na sabi ko sa kanya. Pinaghampas hampas ko siya. Pinipigilan naman niya ako

"Ang sama sama mo!" Tuloy parin ang paghampas ko. Nakita ko na tumakbo palapit si seyzie para pigilan ako.

"Xander minahal kita. First boyfriend kita eh. Alam mo yon!"

"Sorry" mahinang sabi niya sa akin

"I hate you!" Inis na tumakbo ako palabas ng gym. Tumakbo ako palayo sa mga tao. Palayo kay xander. Patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.

Nung napagod ako napaupo ako sa damuhan. Ang sakit pala..

patuloy parin ako sa pagpahid ng mga luha ko gamit ang palad ko. Hanggang sa naramdaman kong may tumabi sa akin at inabutan ako ng panyo.

"Sabi ko sayo, ako nalang eh"

---
End of andrea's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon