Chapter 6 (seyzie's pov)

49 1 0
                                    

"Hahaha!"

"Grabe ka makatawa ashley!"

"Shhhh!" Sabi nung bantay sa library.

Nasa library ako ngayon nagreresearch para sa assignment namin sa science.

"Nakakatawa naman talaga? U know? Parang higad si andrea kanina?" Sabi ni ashley.

Rinig na rinig ko sila dahil nasalikuran ko lang sila.

"Kung makakapit noh? Masakit ba hubby?" Sabi ni pamela.

"Hindi, okay lang"

Tekaa.. Kilala kong boses yun ah?
Tumayo ako para kumuha ng libro. Para makita ko rin kung sino un. Pero syempre pasimple ako.
And boom! Tama ang hinala ko. Si xander nga yun. Niloloko lang nya si andrea?

"Ano nang balak mo?" Sabi ni xander.

"Balak? Isang masayang na ending"

Napatigil ako sa pagrereview. Pinakingan ko silang maigi.

"Anong ending ang balak mo pamela?" Sabi ni tina

"Masayang masayang ending"

"Pwede bang tigilan na natin to?" Sabi ni xander.

"Papupuntahin namin si andrea. Dun mismo, sa madaming tao, dun mismo babagsak si andrea" parang kontrabidang tumawa silang lahat.

"Hindi pa ba sapat ung paiyakin siya? Pahihiyain mo rin?"

"Shut up hubby! Bagay lang sakanya yun" sabi ni pamela.

"Hanggang dun lang pamela!" Sabi ni xander.

"Yup, tatapusin na natin don"

"Ang b*tch mo talaga pamela" sabi ni daniel.

"Pare, katuwaan lang yon" sabi naman ni james.

Nagsilabasan na sila.

Dapat malaman to ni andrea, dapat hiwalayan na nya agad si xander. Hindi basta basta ang balak ni pamela. .

****
Naglakad na ako palabas nang napagtantuan kong nakalimutan ko ang notebook ko sa room.
Bumalik ako sa classroom para kunin iyon.

Habang kinukuha ko ang book ko, narinig kong may naguusap sa kabilang classroom

"Sigurado ka sa gagawin mo pamela?" Boses ni tina yon.

Tumigil muna ako at nakinig. Hindi naman sa chismosa ako pero nakakapagtaka kasi.

"Oo nga!"

"Pamela, baka malaman na tayo ang may gawa nito"

"Edi wag kang magpahalata. Ur such a bobita!"

"Pamela kinakabahan ako" boses ni ashley yon

"Shut up you two! Mga duwag!"

Narinig kong lumabas na sila.
Kaya lumabas narin ako.

Naglalakad na ako palabas ng school ng may tumawag sa akin.

"Hoy nerd!"

Lumingon ako. Si pamela.

"Narinig mo kami kanina noh?" Sabi ni ashley

"Uh"

"Wag ka nang mangealam kasi" sabi ni pamela.

"Once na malaman ko na sinumbong mo kami, ill make your life miserable again"

"Pamela wag mong gawin ang binabalak mo" sabi ko.

"Masyado kang anghel!, wag mo nalang pakealaman ang trip namin nerd." Sabi ni ashley

"Your such a nerd! Tumabi ka nga!" Tinulak nya ako, na naging dahilan ng paglaglagan ng mga libro ko. Nabasag din ang salamin ko dahil naapakan nila.

Nagiba na si pamela, nagiba na ang pinsan ko...

---
End of seyzie's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon