"Wag kang makipaglokohan sakin" tinulak ko ng bahagya si seyzie.
Hindi ako makapaniwala na nasabi nya sa akin un. Sigurado ako na napagutusan siya.
Napakasama nya. Akala ko ba kaibigan ko siya?
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad paalis. Hinigit nya ako at pinaharap sa kanya.
"Maniwala ka naman sakin andrea" sabi nya.
"Tumigil ka na dyan, sino bang nagutos sayo?" Kumunot ang noo ko
"Wala! Andrea, please? Hiwalayan mo na si xander!" Pilit nya.
"Ah? May gusto ka ring palang malandi ka kay xander?"
"No! Andrea! Sasaktan ka lang nya!"
"Sino ka ba para sabihan siya ng ganan?" Naiinis na ako.
"Andrea narinig ko may balak si-"
"May balak silang saktan ako?, come on! Ilang libro na ang nabasa kong ganan!, MAHAL AKO NI XANDER!" Sinigawan ko na siya. Napaiyak narin ako ng tuluyan.
Hindi ba nya alam na masakit ang ginagawa nya.
"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin andrea?"
"Dahil isa ka lang namang napakawalang kwentang tao sa school na to!"
"Andrea! Please?" Naluha luha na siya. Hinawakan nya ang braso ko.
"What the heck is wrong with you!" Tinapik ko ang kamay nya
"Andrea? Masasaktan ka lang! Sasaktan ka nya!"
"Hindi mo kilala si xander! Wala kang alam!" Tumakbo na ako paalis
Paanong nasasabi nya yon? Alam ko at ramdam ko na mahal ako ni xander. Mahal na mahal.
At ang walangkwentang taong yun ang sisira non? No way!
Tuluyan lang ang pagiyak ng luha ko.
Pumasok ako ng banyo. Doon binuhos ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko.
Litong lito ako.
Parang hirap na hirap akong intindihin si seyzie.
Paano kung totoo ang sinasabi nya?
Paano kung hindi? Pero nahiwalayan ko na si xander?
Paano kung may nagbayad sa kanya?
Paano kung may narinig siya talaga?
Paano kung totoong niloloko nya ako.
Gulong gulo na ako.
"Omay! Are you okay?" Tumakbo palapit sa akin si ashley
"Narinig ko! Don't worry wala akong sasabihin" sabi pa nya
Hinimas himas nya ang likod ko.
Umiling ako sa kanya. Nahihirapan narin akong huminga.
"Dont cry na! Echuserang froggy lang talaga ung si seyzie!"
Hinimas himas pa nya ang likod ko,
"Just follow your heart andrea" bulong pa nya na may boses na parang naaawa sya sa akin.
"Pa-paano k-kung ta-tama siya?" Utal utal na tanong ko.
"Paano kung mali? Look wala namang ebidesya eh? So for sure 50/50 ang lahat!"
"Ay oo nga pala. balita ko may gusto yan kay xander," pagkasabi noon nakaramdam ako ng inis. Napaka nya, ginawa nya yun para mapunta lang siya kay xander?
"Dont worry andrea! Ikaw lang ang mahal ni xander! Hindi ka nya papakawalan. Siguro baliw sya kung hiwalayan ka nya." Nakangiting sabi nya sa akin.
Niyakap ko siya at bumulong
"Salamat ashley!"
Yumakap din siya sa akin
"Magkakasundo rin pala tayo eh" masayang sabi nya "so ano friends?" Ngumiti siya ng napakalawak.
Ngumiti ako at tumango.
Ngayon may bago na akong kaibigan. At naliwanagan ako kung ano ang dapat kong gawin.
Humanda ka bukas nerd! Seyzie!
---
End of corrinne's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Fiksi RemajaWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...