Saturday! Ang boring sa bahay!
"Jane kakain na!" Tinawag ako ni mami .
Bumaba naman ako sa dining area. Agad na bumugad sa akin ang lokohan nina kuya.
3 ang kapatid ko na lalaki:
Si kuya louis na pinakamatanda at siya pang isip bata sa kanila, sumunod naman si kuya cody na pinakaseryoso at si kuya javier na pinakabata. Yes. Bunso ako. Graduate na si kuya louis at cody. Si kuya javier naman mag gragraduate palang.
Back to reality.
"Wala! Ako ang mas magwapo saating magkakapatid ako panganay eh!" Binging bingi na ako kay kuya javier na pagulit ulit na sinasabing 'mas gwapo ako'
"Kinalaman non? Mas madami akong naging girlfriend" sagot ni kuya javier.
"Waaallaa! ung panganay siya pinakapogi tas ung sumunod tapos ung huli.. Wala na pang third ka kawawa." Tapos naghabulan sila. Naku napaka isip bata. Kaya pala...
"Eh kung sabihin kong ako ung pinakamaganda?" Sabi ko sa kanila. Napatigil sila sa pagtatakbuhan at napatingin sa akin.
"No! Dapat ako parin!" Sabi ni kuya louis.
"Lahat na louis, lahat na! Ako naman diyan" sagot ni kuya javier
"Ang ingay. Tsk!" Sabi ni kuya cody tapos tinakpan nya ung tenga nya.
"Ako mas maingay!" Taas kamay si kuya javier na nagsabi non
"Tse! Ako kaya!" Tapos ayun nagtakbuhan ulit.
Umupo nalang ako sa upuan (alangan naman?)
"Tumigil na kayo diyan. Kakain na,"
Nung matapos namin kumain may sinabi si mami samin.
"Sino ba pinakamasipag sa mga anak ko?"
"Ako ma!" Sabi ko.
"Ako po kaya!" Sabat ni kuya javier
"Maa! Maa! Akoo! Naglilinis ako ng kwarto siya hindi" tinuro ni kuya louis si kuya cody.
"Oh ung pinakamasipag ang magliligpit" pabirong sabi ni mami.
Di kasi kami nakuha ng yaya. Si dadi at mami ang nagtratrabaho sa company namin. Si kuya cody tinatrain na para maghawak ng company. Si kuya louis naman isang engineer.
"Ay si cody pala pinakamasipag" sabay na sinabi ni kuya louis at kuya javier yon.
Napatingin naman ng masama si kuya cody sa kanila. Nakangiti lang ung dalawa.
"Haha, bahala na nga kayo. Ma taas na ako" tumaas na ako ng kwarto.
Bago ako makapasok ng kwarto nag vibrate ang cellphone ko.
1 text message from mallow
-----
End of jane's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Novela JuvenilWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...