Pakatapos ng nakakakilig na eksena. Naglakad na kami ni Jen papunta sa locker nya.
At ayun! May nakita ako chocolate. From her admirer nanaman.
Gondo tologo nitong friend ko e. Araw araw may blessing.
Kinuha ko yung chocolate sa locker nya.
" friend! Tinan mo tong chocolate na bigay sayo oh!" Pinakita ko sakanya.
"Uy akin yan!" Sabi ni Jen
"Akin na lang please?"
"diba sabi ko sayo. Kunin mo na lahat wag lang chocolates."
"Damot! Tataba ka nan!" Inirapan ko na lang sya.
"Jen! Sabay ka saakin? Uuwi na ako."
"Di na. Mauna ka na." Sabi nya at umalis na lng ako..
Nagiintay ako ng jeep ng may kumalabit sakin.
"Hoi!" Sinigawan nya ako,
"Aray! Di po ako bingi!" Galit na sagot ko sa ginawa nya
"Ayy, muka lang pala!" Natatawa tawa pa sya,
Siya si kean, ang pinakakinaiinisan ko sa lahat ng tao sa mundo, oo napaka bipolar nya. Minsan bati kami minsan hindi, pabago-bago ng mood.
Naalala ko sakanya si kean, ang childhood friend ko.
--
Flashback
"Anong gusto mo paglaki." Habang nagkakagulo ang mga bata sa playground , kami ni kean naguusap lang parang wakang paki sa mundo.
"Hmm? Gusto kong maging teacher sa ballet tulad ni maam isabelle!" Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga bata na nagaagawan makasakay ng duyan.
"Tulad ni mommy?"
Tumango ako
"Ikaw kean? Anong gusto mo paglaki mo?" Napatingin ako sa kanya
"Superhero!!!!!" Napalakas ng boses nya. Sabik na sabik siya maging superhero.
"Ngek! Eh sinong superhero?"
"Gusto ko si spiderman!" Kapansin pansin na mahilig siya sa batman dahil sa suot nya na damit.
"At ililigtas ko ang lahat ng tao sa mundo!" Dugtong nya.
"Eh pano ako?"
"Syempre ililigtas kita! Hindi kita pababayaan!" Nakangiting sagot nya.
----
"Hoooooy! Talaga bang napopogian ka sakin? Kanina ka pa nakatitig saakin"
"Yucckk! Pwe pweeeee! Nakatitig ako sayo kasi may panis na laway ka" sabi ko
"Ay arte! Wala kaya" pinahid nya ang kanyang kamay sa labi nya saka akmang ipapahid sakin
"Kadiri ka naman! Ilayo mo yan saakin! " tinatapik tapik ko ang kamay nya.
"Oh may jeep mauna na ako!" Nagtatakbo si kean pasakay ng jeep.
"Hoy! Kanina pa ako nagiintay dito!" Sigaw ko habang hinahabol siya ng tingin.
"Loser! Tagal mo eh!" Tumingin siya sa bintana at sumigaw sa akin
"Woooww! Napaka gentelmen!" Sigaw ko sa kanya
Umandar na ang jeep nila habang ako eto. Nagaantay parin ng jeep. Tetext ko sana si mama pero..
Ung cellphone ko nalobat pa. Patay ako sa parents ko nito baka akalain naglakwatsya ako
Bweset na kean! Dadala ng kamalasan parati.
-----
End of corrinne pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...