Chapter 3 (seyzie's pov)

82 3 0
                                    

"Very good seyzie.. Naka 100 ka nanaman sa test ko" sabi ni maam nang maabot nya sa akin ang test paper ko.

"Justin ikaw naman ang sumunod naka 96 ka lang" sabi ni maam.

Tumingin ako kay justin na nasa likod ko. Tinitignan nya ang test paper nya.

"Ah ah! Maaaaam! Tama po number 34 ko!" Sigaw ni jen.

"Maam ako po mali!" Sigaw naman ni jessie

Lumapit si jen at jessie kay teacher at pinacheck ang testpaper nila.

May kumalabit sa akin.

Tinignan ko si justin

"Paheram ng test paper mo" seryosong sabi nya sa akin.

Binigay ko ang test paper ko.

Mamaya maya...

.

.

.

"Maam! Mali po check nyo! Mali po si seyzie sa number 23" dali daling pumunta si justin kay maam.

Maayos na chineck ni maam ang test paper ko.

Bumalik si justin sa upuan nya at binigay sa akin ang test paper ko.

98/100

Tumingin ulit ako sa kanya. Pinakita nya ang test paper nya 98/100 din siya.

"Ngayon. Tie na tayo" nakangiti lang siya sa akin. Inirapan ko nalang siya.

...

Naglulunch na kami ng makita kong nagtatakbukan ang mga estudyante papunta ng gym.

Dahil na curious ako nakipunta narin ako.

Nakita ko ang dami ng taong nanonood. Halos lahat ata ng estudyante nagpuntahan dito.

Nakita ko rin ang mga pulang lobo na nagsiliparan.

Nakisingit ako para makita ko ang pinagkakaguluhan..

Nung nakasingit ako nakita ko si andrea at xander.

"Ang swerte swerte nila sa isat isa" rinig ko sa katabi ko.

"Ako kaya kelan ako sasagutin ni jen" sabi naman ng kausap nya

"Eh di ka naman dumadamoves" sabi nung isa

" hoy! Nag susulat ako tapos palihim kong nilalagay sa locker nya" sabi nya

Tinignan ko sya tapos natawa tawa ako. Nakita ko siyang tinititigan si jen. Nakita ko ring napatingin si jen at ngumiti.

"Tse! 2014 na jejemon ka parin!" Natatawang sabi nung kausap nya

"Oh my gulay! nakita mo un jose. Tumingin siya sakin."

"Oh? Tumigil ka dyan! Tama na yang imahinasyon mo" sagot nung jose.

Napatingin ulit ako kayna andrea., hayy ang swerte swerte nya.

----

End of seyzie pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon