Chapter 2 (jen's pov)

80 4 0
                                    

"Sige paalam!" Sabi ni jane sakin

Kumaway nalang ako sa kanya.

Ang bait bait talaga ni jane. Gusto kong maging tulad nya. Masaya siya. Parati.

Pumasok na ako ng bahay.

Ay teka? Bat bukas ang pinto? Kalimitan kasi pag nauwi ako. Sarado pa ang pinto kasi wala pang tao.

"Lola?" Sigaw ko

Nagulat ako. Nakita kong may nakaupong lalaki sa sofa namin.

"Jen?" Napalingon siya sakin. Nagulat ako. Sino siya?

"Jen, apo, andito ka na pala" nakita kong lumabas si lola mula sa may kitchen.

"La, sino po siya?" Tinuro ko ang lalaking nakaupo. Nakatingin siya sa akin.

"Jen, siya ang papa mo."

"Jen anak. Ang laki laki mo na"

Naalala ko pa.. Lahat lahat.

Naiiyak ako.

"Bat ka pa bumalik?" Galit na sabi ko.

"Jen, sorry na patawarin mo ako."

Madali naman sa aking magpatawad. Pero di ko kaya. Kasi alalang alala ko pa lahat.

"Jen, ama mo parin siya" sabi ni lola sa akin.

"Wala na. Simula noong itakwil nya ako."

Tumakbo ako. Pumunta ako sa pinakamalapit na playground sa amin. Umupo ako sa swing.

Di ko kayang patawarin ang tatay kong naging dahilan ng pagkawala ni mama

Flashback~

Umuulan noon. Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni mama. Tumakbo ako pababa..

"Timothy. Wag ka nang umalis." Nagmamakaawa si mama sa harap ni papa.

"Sorry pero kasi kailangan ako ng pamilya ko" sabi ni papa.

"Pa, diba kami ang pamilya mo?" Pagsisingit ko sa kanilang dalawa. Tumingin sila sa akin.

"Jen?" Sabi ni papa

"Pumasok ka sa kwarto mo jen"'sabi ni mama.

Ginawa ko. Pero nakikinig parin ako sa usapan nila.

" timothy, okay lang sa akin na maging kabit. Wag ka nang umalis!" Sabi ni mama.

"Honey, babalikan ko kayo. Aayusin ko lang tong problemang to."

"Honey please?"

Pamula non. Wala na akong narinig. Puro iyak nalang ni mama.

---

8yrs old ako. 1 year na simula nung umalis si papa.

Nagkasakit si mama. Dahil nagiinom siya. Parati ko namang sinasabi sa kanya na di naman namin kailangan si papa dahil andito naman si lola. Pero hindi. Ayaw nyang maniwala sa akin.

2 days before my 9th birthday nung namatay si mama.

Di manlang pumunta si papa. O kinuha ako. Basta ang alam ko noong pinadadala ako nina lola sa amerika para makasama ko si tita carla ay nagbakasakali akong makikita ko si papa. Tumakas ako. Pumunta ako sa alam kong bahay nya ngayon. Nakita ko siya. May kasama siyang batang lalaki. Nilalaro nya. Nalungkot ako.. Diba nangako siyang babalikan nya kami? Babalikan nya ako?

Si tita carla ang tumangap saakin. Tinanggap nya ako ng parang isang tunay na anak. Binigay nya lahat ng gusto ko.. Bumalik lang ako dito sa pilipinas nung nalaman kong nagkasakit si lola..

--

Pamula noon iba na ang tingin ko sa lahat ng lalaki. Pare pareho lang sila. Sasaktan nila ako. Tulad ni tita Nasaktan din siya.

Ngayon paano ako magtitiwala ulit sa kanya? Sa tatay ko?

------

End of jen's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon