Chapter 9: (corrine's pov)

70 0 0
                                    

"One, two, three, one , two, three! Yan perfect" sigaw nung nagtuturo sa amin ng sayaw.

"For sure bakla panalo yang bata mo. Ang gagaling sumayaw. Bagay pa!" Sigaw nung kasama niya.

"Natural, ako nagturo"

"Ang init!" Reklamo ni kean.

Hinampas ko siya. "Reklamo pa more!"

Inirapan nya lang ako.

Lumapit saamin ung nagtuturo sa amin. "Super perfect! Bagay na bagay talaga kayong dalawa!"

Yan. Yan ang parati kong naririnig. Bagay kami. Kami ang magkakatuluyan sa huli. Kami na ang may chemistry.

"Ate." Saway ko.

"Haha, super cute nyo lang, sinagot mo na ba ha?" Sabi nya sa akin.

Pinanliitan lang siya ng mata ni kean.

"Never!" Sabi ko. Napatingin si kean sakin

"Di naman kita niligawan"

"Never kitang sasagutin. Asa ka pa. Gusto ko ung mala james reid." Kinikilig na sabi ko.

"Ako nga, kamuka ko yon!" Ngiting ngiting sabi nya.

"So sweeeeet" sabi ni ate,

"Tsk. Patner.., hanggang dun lang kami" sabi ko tapos bumaba na ako ng stage.

"Wag kang magsalita ng tapos!" Sigaw ni ate sakin

Nagayos na ako. Uuwi na kasi ako. Pero bago un. Kaylangan ko munang bumili ng cake. Nagpabili si mama.

Tinext ko muna si jen. Na nauna na akong umuwi. Walang reply akong natanggap sa kanya. Siguro nagsasaulo siya.

Habang naglalakad ako sa mall. May sumigaw ng pangalan ko.

"Corrinne!" Sabay akbay sa akin

"Aba walang dy-" kunot noo kong sabi

"Corrinne! My labs! Sorry ha, pinagintay kita,"

Pilit ko parin tinatanggal ang kamay nya mula sa braso ko. Problema nito? Saka.. Whatt? Labs? Labs nya muka nya

"Ano b-" pagungot ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa akin

"Wag ka na magalit please?"

"Who is she?" Tanong nung babae. Napansin ko lang siya nung nagsalita siya.

"My girlfriend. Sabi sayo eh. Hindi ako ung hinahanap mo"

"Pero sabi nung ka text ko, dun sa may tabi ng mcdo kami magkikita tapos naka red t-shirt at jeans siya, imposibleng hindi ikaw un. Ikaw lang ang nandun"

Halos matawa ako. Grabe? Pag di nya talaga gusto humahanap siya ng paraan.

"Miss sa dami ng red tshirt sa mundo posibleng hindi ako ung hinahanap mo"

"Well, prove it"

"Oh," nilapit niya ako sa kanya

"May gf ako"

"Still, hindi ako naniniwala. Mukang hindi kayo!" Sabi nung babae

Mula sa braso ko ay humawak siya sa kamay ko. Pinisil nya ito parang may gusto syang ipahatid sa akin.. Get ko naman pero. Syempre >:)

"Holding hands?" Tinaas nya ung kamay namin

Natawa tawa ako nung tignan ko siya. Tinataas taas nya ung kilay nya para sabihin sa akin na paalisin ko ung babae.

"Kahit sino pwedeng makipagholding hands" nakataas kilay nyang sabi.

"Pero ano kasi.. Ano.. "

Fine.. Tutulungan ko na nga siya. Mukang iiyak na tong isang to eh.

"Sino ba siya?.." Sabi ko "My labs?" Dugtong ko.

"Ako? Ako ung pinangakuan nya na makikipagkita sakin. Ung i dadate nya."

"Excuse me? Eh boyfriend ko to eh"

"Ehhh! Siya talaga un eh"

"Super loyal sakin to eh, imposibleng siya ung hinahanap mo miss" tumingin ako kay kean. Namumula siya. Mukang di nya akalain na makikisakay ako sa trip nya.

"Eh kung di siya sino?"

Naghanap ako sa paligid ng nakared at nakapants. Saktong may tumabi sa mcdo habang nagtetext

"Ayun!" Turo ko dun sa lalakeng nakared

"Baka un ang hinahanap mo!" Sabi ko.

"Ay. Baka nga., sorry miss ha,. Napagkamalan ko tuloy yang syota mo. Wag kayo magaway ha"

"No problem., alam ko namang mahal na mahal ako nito" pangaasar ko pa.

Umalis na ung babae sa harapan namin at pumunta na dun sa isang lalaki.

Ilang step palang ang nalakad nya nung hilahin ko si kean palabas ng mall. Malayo sa lugar nung babae.

Pagod na pagod na tumigil kami sa isang upuan doon.

"Grabe! Ano bang ginawa mo dun?"

"E-ewan" sabi niya.

"Ikaw ba talaga ung katext nya."

"Uhmm, actually. Oo eh" sabi pa nya.

Halos matawa ako dun. Si kean na siga sa school naghahanap ng textmate.

"Grabe! Desperada?" Tawang tawa lang ako.

"Hoy! Malay ko ba. Ang ganda ng pagkadescribe nya dati sa itsura niya. Malay kong ibang iba pala."

Halos maiyak na sabi niya sakin

"At ikaw? Nakakailan ka na! Siguro crush mo ko noh?" Sabi ni kean sakin.

"Yuck! Yuck yuckk!" Sabi ko. "Pasalamat ka nga niligtas kita. Balak ko sanang umalis nalang"

"Tse! If i know nagenjoy ka! Nahawakan mo ulit ang mga palad ko"

"Yaaaaakkk!" Sabi ko

"Pero.. Seryoso.. " sabi niya

"thank you" sabi niya sa akin..

"No problem! Mabait ako masyado." Sabi ko " patay ung cake. Di ko pa nabibili" sabi ko.nung naalala ko ung cake na pinabibili ni mama. Baka magalit un.

"Samahan na kita." Alok niya.

"Haha.. Para di ka makita nung babae ulit?" Sabi ko habang natatawa tawa pa.

"Oo." Nakataas kilay na sabi niya sa akin.

Nagderetsyo na kami sa bilihan ng cake at pag sinuswerte nga naman. Di kami nakita nung babae.

----
End of corrine's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon