"Corrinne! Tawag ka ni Jen" Agad akong nagulat nang bigla akong tawagin ni Steff mula sa pintuan.
Class president namin.
"Ah! Teka sabihin mo" inayos ko ang bag ko. Si Jen ay bestfriend ko mula noong elementary, sabay din kami ng linipatan na school. Kaso sa kinasamaang palad, magkaiba kami ng section. highschool na kami. At tulad ng dati. Parati parin kaming sabay nauwi.
"Corrinne ung project ha!" Sigaw nung kaklase namin na si Dave. Tumango nalang ako bilang sagot at sabay lumabas ng classroom
"Grabe Corrinne ang tagal mo! Sigurado akong nagusap nanaman kayo ni xander" asar ni Jen sakin. Crush na crush ko si xander. Kaya lang madami akong kaagaw kaya di nya ako mapansin pansin.
"Tse! Ang sabihin mo inggit kalang kasi nakausap ko sya" naglakad na kami palabas ng school.
"Parang nagtanong lang siya kung nakita mo si Andrea.. Eh ikaw? Nakatabi mo nung lunch." napasimangot ako.
"Umalis ka kasi! Kaya ayun. Magisa ako. Kung di ka umalis edi sana nakatabi mo din" nakangiting sagot nya.
"Hmmp! Alam mo! Ang swerte swerte ni andrea! Ilang months na sila ni xander" sabi ko
"Tama! Nakakaingit talaga! Kung pwede lang agawin yun!" biro ni Jen
"Loka! Ay teka bye na! Tawag ka nalang ulit ha" nagtatakbo na si Jen pasakay ng jeep. Wala iniwan na ako. Grabe naman.
Nagaantay ako ng jeep.. Ano ba yan? Wala paring jeep? Napagisipan ko maglakad papunta sa terminal
Grabe talaga. Ingit na ingit ako kay andrea. Pero ang choosy choosy nya. Hindi ko talaga makakalimutan ung.. Ay..? Naulan!
Nagtatakbo ako papunta sa 7/11 . Kung kelan umulan. Saka nakalimutan ang payong. Jusko! Grabe!
Gagabihin ako! Lagot nanaman ako kay mama nito!
Naupo muna ako sa upuan. Kumuha din ako ng makakain. Nagugutom na ako eh.
"Ate. Pwede paupo?" Napatingiin ako sa nagsalita.
"Jane? Sige sige!"
"Yay! Salamat" umupo na siya sa tabi ko. Matagal ko nang gustong maging kaibigan si Jane. Pano ba naman sa grupo nila na sikat na sikat. Siya ang pinakamabait. Pansin na pansin din siya dahil sa kanyang pagiging friendly.
"Gusto mo?" Inalok ko siya ng piatos
"Hmm, sige!"sabi nya tapos kumuha siya.
"Bat di ka pa nauwi?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Kasi ayoko. Gusto kong matutong magisa. Napaka protective kasi nila eh" sabi nya sakin habang nakain.
"Nagpaalam ka?"
"Hindi eh. Tumakas lang ako kay Mang Tony," sabi nya. Driver nya si mang tony, minsan ko nang nakausap si mang tony nung iniintay nya si jane sa harapan ng school. Mabait naman sya.
Napahaba ang paguusap namin ni Jane. Mabait talaga sya! Naikwento rin nya sakin ang tungkol kay Andrea at kay xander.
Tinignan ko ang cellphone ko.
"Hala! Jane uwi na ako! Gagabihin ako. Tutal wala narin namang ulan" nagmamadaling inayos ko ang gamit ko.
"Osige! Magingat ka!" Sabi nya na nakangiti.
Nagyon ko lang siya nakausap ng matagal. Grabe totoo nga ang sinasabi nila. Masayang kasama si Jane..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
End of Corrinne's POV

BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...