Chapter 7 (corrinne's pov)

47 1 0
                                    

"Corrinne!" Tawag ni kealu nung makita nya ako papunta sa bahay.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko,.

"Pupunta ako mamaya sa field. Susunduin ba kita?"

"Anong gagawin don?" Tanong ko

"Stargazing?"

"Ay parang ung bata pa tayo!" Tuwang tuwang tanong ko.

"Oo," nakangiting sagot nya.

Naku!, kung alam mo lang. Hinang hina na ako sa mga ngiti mong yan.

Pumasok na ako sa bahay.

~~~~
Lumabas na ako.

"Bye maa!" Sigaw ko bago ko isara ang pintuan

"Tara?" Sabi ni kealu. Sumama ako sa kanya.

Nagpunta kami sa nuvali.

Bumili na kami ng makakain. Tapos dumeretsyo na kami sa field para mag star gazing.

Natatandaan ko pa noong bata pa kami. Tuwing napunta ang pamilya namin dito. May ibang mundo kami sa gilid.

"Corrinne" nabigla ako ng tawagin ako ni kealu.

Nakahiga kami ngayon sa damuhan habang tinitignan ang mga bituwin

"Naniniwala ka ba na ang pinakamaliwanag na bituwin diyan ang tatay ko?"

"Huh?"

"Wala" nagpatuloy nalang siya ng pagnguya nya

"Well, sabi nila yung pinakamaliwanag daw ay ang taong mahal mo na namayapa."

"Lagi akong napunta dito dahil sa kanya" tinuro nya ang langit

"Sino?" Tanong ko.

"Tatay ko" bulong nya pero narinig ko naman, "bata palang tayo corrinne, napunta na ako dito

dahil gusto ko siyang kausapin"

"Bat di ko naririnig na kinakausap mo siya"

"Syempre sa isip lang!" Napatingin ako sa kanya, ngumiti siya sa akin.

"Tanda mo ba? Nung namatay si tatay? Diba di ako mapatigil sa pagiyak noon?"

Tumango ako

"Dinala ako ni mama dito. Tapos tinuro nya sakin yun!, ung pinakamaliwanag na bituwin. Ewan
ko ba pero dito lang sa lugar na to ko siya nakikita." Pumikit siya.

Pinagmasdan ko siya. Bata lang kami. Umaasa ako na kaming dalawa ang magkakatuluyan.

*****
"Kealu wag ka nang umalis!" Iyak ng iyak ang isang batang ako habang yakap yakap si kealu.

Nasa itaas kami ng puno. Ewan ko ba, pero dahil sa kanya natuto ako nito. Umalis na ako sa pagkakayakap

"Hindi naman ako aalis corrinne. Andito parin ako oh kausap mo!" Pagpapatawa ni kealu. Ganan siya, pinapagaan nya parati ang loob ko

"Iiwan mo ko, pupunta na kayo sa ibang bansa! Madaya ka!" Sigaw ko

"Papadalhan kita parati corrinne! Bibigyan kita ng chocolate araw araw para maramdaman mo na nandito parin ako"

"Ayoko! Sino nang aaway sa mga salbahe?" Iyak ko

"Paghumingi ka ng tulong. Lilipad ako corrinne, parang si superman! Si batman! Lilipad ako pagtatangol kita! Mahal na princessa!"

"Gusto ko balikan mo ako! Tapos gusto ko ikaw ang prinsipe ko!" Napatigil na ako sa pagiyak ko

"Syempre ako ang prinsipe mo!"

"Pangako" tinaas ko ang pinky finger ko. Tulad ng karaniwang ginagawa ng mga bata pag nangangako sila.

"Pangako, corrinne"

****
"Tulala ka," napatigil ako sa pagtrotrowback ko nang sigawan ako ni kealu

"Wala to!"

"May crush ka na noh?"

Ikaw, crush kita!

"Wala!, baka nga ikaw meron!"

Mula sa pagkakahiga nya ay umupo siya. Gumaya naman ako sa kanya.

Ngumiti siya

"Diba wala ngang lihiman! Walang magtatago ng nararamdaman!"

Tumawa siya

"Baka magalit ka saakin."

"Hindi noh!"

"Sige na nga pero secret lang ha."

Lumakas ang tibok ng puso ko. Sana ako sana ako.

"T-talaga sino?"

Ako?

"Si.."

Ngumiti ako sa kanya.

"Si jen..."
------
End of corrinne's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon