Chapter 4 (andrea's pov)

68 2 0
                                    

Nandito ako sa school kahit saturday may practice ng sayaw. Nandito ako sa canteen tinatawagan ko si xander kasi wala siya ngayon sa school may practice sila ng basketball. Sayang ayos ko noh!

"Oo nga, nasobrahan ata sa shabu si andrea" bulong nung isang babae sa kasama nya

"Oo nga, ang kapal ng makeup wala namang event" nagsitawanan sila

"Oo nga, sana di nalang kayo nagbulungan kung rinig ko rin!" Sigaw ko sa kanila "Kung inggit kayo edi maglagay rin kayo para masaya. Mga ingitera!" Dagdag ko pa.

Inirapan nalang nila ako tapos umalis na sila. Inirapan ko rin sila aba.

"Haha! Easy lang insan!" Nagulat ako nung may tumabi sa akin

"Kuya rafael!"

Pinsan ko si rafael, mas matanda lang siya saakin. Siya ang anak ng may ari nitong school. Ang pogi ng kuya rafael ko. Heartthrob na heartthrob ng school pero wala pang nililigawan yan noh!

"Libre mo naman ako andiee!" Sabi ni kuya saakin

"Ano ka! Dapat ikaw manlibre sa akin eh!"

"Insan! San ang birthdayan?" Sabi ni kuya sa akin

"Huh? Wala naman"

"Haha muka ka na kasing clown dyan sa make up mo!" Inirapan ko si kuya

"Tse! Ganda kaya!" Kinuha ko ang cellphone ko at tinigan ang sarili ko.

"Hahaha! Bahala ka na nga," tumayo na si kuya sa kinauupuan nya. Tumayo narin ako.

"Panoorin mo ako insan! Basketball!" Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Malay mo nandun din si xander? Saka tapos narin naman practice namin.

Nung nakarating ako umupo ako sa bakanteng upuan sa likuran. Nagtatakbo na si kuya doon sa game.

Nagtext text muna ako kay xander.

To: xander <3
Babe? Di ka papractice today?

Ilang sandali lang nag reply din siya.

From: xander <3
Sorry babe. Natutulog ako di ko nasagot tawag mo. Masama pakiramdam ko eh.

To: xander <3
Ganun ba? Get well soon :* :*

Ay di na nag reply.
Nagsimula na ung game. Kukuhanan ko sana si kuya rafael kaya kang di kita masyadong malayo. Naglakad lakad ako. Aha! May nakita akong upuan sa bandang unahan.

"Better" bulong ko.

Nagpipikture pikture ako pero pagtingin ko sa katabi ko. Nakatingin siya saakin.

O.o
"Panget anong, Titingin tingin mo?" Sabi ko kay angelo

"Ah wala?"

"Fine? Natakot ka kasi muka akong clown,"

"Hin-hinde noh! Maganda kaya!" Sabi niya sa akin.

"Syempre crush mo ko!" Nilapit ko ang muka ko sa muka nya

Namula naman siya kaya natawa ako.

"Kamatis! Ahahha" tinuro turo ko pa ang muka nya.

"Ahh!" Tinakpan nya ang muka nya.

Nakakatawang asarin tong si angelo.

"Alam ko na tawag ko sayo! Kamatis. Ahhahaha" sabi ko sa kanya.

"Toyo!" Rinig kong sabi nya sa akin.

"An- ano yon?"

"Toyo!" Ulit nya.

"Toyo? Inaasar mo ba ako?" Galit na sabi ko

"Toyo.. Para bagay tayo, kamatis ako toyo ka." Sabi nya sa akin

"Pppffftttt" pigil na tawa ko.

"Hahahahahahha spell corny nga naman! Hahah" walang tigil na tawa ko

Pagtingin ko sa kanya nung natapos ang tawa ko. Nakangiti siya.

"Yeeeeeeeahhhhh!" Sigaw ng mga tao.

Napatingin ako dun sa game. Wah? Tapos na? At siyempre nanalo ulit sina kuya. Magaling kaya siya.

Nakita kong nagsign siya ng wait lang.
Nagalisan na ang mga tao maliban kay kamatis.

"Oh? Di ka aalis?" Sabi ko

"Wala kang kasama" sagot nya.

"Pake ko? Edi mas masaya?"

"Ayoko! Dito lang ako toyo!"

O.o

Nagtinginan saakin ang mga tao sa gym

"Oh? Sabagay may toyo lagi si andrea." Bulong ni girl 1

"O dikaya sila na? May endearment sila!" Bulong ni girl 3

"Lagot pano na si xander? Pinagpalit nya diyan sa panget na angelo na yan." Bulong ni girl 2

"Okay lang, akin nalang si xander!" Bulong ni girl 3

Inirapan ko nakang sila tapos umalis na ako.

"Ayaw mo ba talaga ng toyo?" Rinig kong sinabi sakin ni angelo.

"Ayoko!"

"Edi asin nlang? O sibuyas?"

"Tse! Sibuyas mo muka mo!" Nagtatagbo na ako papunta sa pinsan ko.

"Uwi na kita sa inyo, may pinamimigay din si mami sa mami mo" sabi nya.

"Wala sina mami sa bahay, lagi naman" sagot ko.

"Edi. Iintayin ko nalang." Sagot nya.

"Okay! Wii tayo?" Sabi ko.

"Updated na ba?"

"Aba oo!"

-----
End of andrea's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon