"Hindi ako papayag na sumama kay papa" ungot ko kay Tito.. Este tita.. Sa telepono.
"Beh, ilang months narin naman ang iintayin mo. Saka nagsisisi naman ata ang pader mo"
"Ayoko!, okay lang na magisa ako untie"
"Sure ako na un din ang gusto ng lola mo. Ang magkabati kayo, di mo ba siya pagbibigyan?"
Ilang days na ang nakalipas pamula nung nawala si lola. Pumupunta sa bahay si papa pero ano pang aasahan nya sa akin?. Di parin ako nakakamove on may problema nanaman. Di ako tinatantanan ni tita. Kaylangan ko daw makipagbati kay papa. Ano bang nakain nya? Nung dati naman galit na galit siya kay papa na halos sugudin na nya ito.
"Untie , alam mo naman kung gaano ako nalungkot nung nawala si mama diba?"
"Siguro beh kaylangan din nating magpatawad para maging masaya tayo." Nakinig lang ako kay tita sa telepono. Pansin ko ang sunod sunod na pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
"Alam kong nakita mo kong umiyak ng paulit ulit sa mga lalake ko. Paukit ulit akong nadadapat pero di ako tumitigil dahil alam ko na may taong darating at itatayo ako. Pero jen, sa paulit ulit na pagtakbo ko. Napagod din ako. Naramdaman ko na ang mga kabigan ko. Kayo ang pamilya ko. Ang paulit ulit na sumusuport sakin. At sapat na kayo para saakin."
"Alam ko naman na, pamula nung nawala ung tatay mo eh, nagalit ka sa mga lalaki. Pinipigilan mo ang damdamin mo jen, ayaw mong mahulog kasi ang alam mo sasaktan ka lang nila."
"Pero iba ka sakin. May taong nakalaan talaga para sayo. Paano mo siya mahahanap kung magbubulag bulagan ka. Paano mo malalaman na siya na kung di mo susubukan??
At ang tanging paraan para umpisahan yon ay ang pagpapatawad sa dadi mo. Di ka nya binalikan pero alam ko na di ka nya kinakalimutan. Mahal ka ng dadi mo jen""O siya tama na ang drama, beh, may i dedesign papala ako na damit. Byelalu beh! Labyu"
"By-"'di ko natapos ang sasabihin ko dahil binabaan ako ng telepono ni tita.
Tama si tita, paano ako magiging matatag kung di ako madadapa. Nagbubulagbulagan ako sa lahat ng nasa paligid ko. Ayokong masaktan. Ayokong umiyak. Ayokong maramdaman ulit ang naramdaman ko nung iwan ako ni papa. Ayokong maramdaman ang naramdaman ni tita.
Bumukas ang pintuan. Napatingin ako kung sino ang pumasok. Pinunasan ko ang muka ko gamit ang mga palad ko. Nakita ko si papa na naglalakad papasok ng bahay. Dali dali akong tumakbo papasok ng kwarto ko.
Di ko parin kaya...
Nakarinig ako ng isang tawa ng bata. Isang bata na siguro ay 4-7 yrs old.
"Jen?!" Rinig kong sigaw ni papa.
Pamula sa kwarto ay sinilip ko sina papa. May kasama siyang bata. Maliit na bata.
Nakita ko na napansin ako ni papa kaya nagsalita siya "apo ko, siya ang anak nung panganay ko"
Sabi niya. "Siguro maganda kung ipakilala kita sa kanila. Excited sila na makilala ka.""Lalo na si Andre"
Inayos ko ang muka ko. Pinuyod ko ang magulo kong buhok at bumaba.
"Anak, pakibantay si precious 7 yrs old lang siya. bibili ko muna kayo ng makakain."
Umalis si papa sa bhay. At natira kami dito. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv ko. Di ko nalang pinansin ung bata. Pagbantayin ba naman ako?
"Wooow!" Nilingon ko ung bata.
"Tita may spongebob kang cd!" Nakita ko na hawak hawak nya ang cd na nakita niya sa cabenet. Nung bata kasi ako favorite ko si spongebob kaya madami talaga akong cds nya.
"Oooohhh!" Sabi niya habang nagtatatalon.
Naalala ko noon. Paulit ulit akong binibilhan ni papa ng spongebob tuwing swesweldo siya. Nanawa ako sa spongebob pamula nung nawala siya dahil paulit ulit ko pinapanood ung huling cd na binigay niya. Siguro ung bata na kasama niya nung nakita ko siya. Siguro mas madaming spongebob siya na cd. Or kahit ano na mas gusto nya.
"Wala ka ba nan?" Tanong ko.
"Meron po. "
"Wala ba ung tito mo?"
"Si-sinong tito?"
"Ung kapatid ng mami mo"
"Ahhhh!! Si tito andre?"
Nagact siya na nagiisip habang yapos parin ang spongebob na cd.
"Wala po."
Nagulat ako. Pano nya nagustuhan si spongebob.
"Pero si lolo marami." Dugtong pa niya
"Ha?" Marami si papa?
"Nakabox nga po eh andami po!, sabi niya bibigay niya daw po sa anak nya, pero malaki na daw kaya akin nalang!" Ngiting ngiting sabi niya.
Di ko namalayan na napangiti ako.
"Gusto mong manood?"
"Opo!"
Tumabi sa akin si precious. Pinalay namin si spongebob sa tv. At sabay na nanood.
----
End of jen's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Dla nastolatkówWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...