"Andrea!" Tumakbo si betty palapit sa akin. Nasa library ako
Well nagbabagong buhay.
De joke. Sinabi kasi ni mami sa akin na bibigyan nya ako ng bagong ipad pag nakapasa ako this quarter. Haha
"Look!" Pinakita nya sa akin ang isang larawan
Larawan namin ni angelo na nagtatawanan. Ang saya saya pa ng muka ko doon. Yung tipong ang sweet sweet namin. Nakahawak siya sa bibig ko..
Teka. Kailan nangyari to?
****
"Bayad na ako sa utang ko toyo!" Sabi niya habang binibigay sa akin ang ube ice cream na binili nya."Dont call me toyo. Ang panget pakinggan" kumain ako
Ngumiti siya.
"Ppfffftt" pigil na tawa ko.
"Ppfft" pigil na tawa din niya.
"Bwhahahah.. Ung -ung ngi-ngipin mo. Wahahaha may chocolate!" Tawang tawa lang ako.
"Eh ikaw nga may amos eh!"
Napatigil ako sa pagtawa pero nankangiti parin
"Ano yon?" Tanong ko di ko kasi masyado narinig.
Pinunasan nya ang bibig ko gamit ang hinlalaki nya.
*******
"What the heck?""Andrea kalat na kalat na yan dito sa school" sabi ni betty
"Ano?!"
Agad akong sinaway ng librarian.
"Di na nga sisigaw!" Sigaw ko sa librarian.
Inirapan ko nalang siya."Tara sa labas!" Hinila ako ni betty palabas.
"Paano yan andrea? Pinagtatawanan ka na" sabi niya nung nakalabas na kami
"Sinong nagkalat nan?"
"Ewan. Pero andrea pati sa internet nagkalat na to"
Wtf? Baka akalain nila pinagpapalit ko si xander sa . Omg na ito?
"Andrea?"
Lumingon ako.
"Ah, andrea alam mo ba nag-" sabi ni ashley
"Oo na. Ung picture ko." Sabi ko.
Kaya pala kanina sa classroom..
Nagbubulungan sila tapos nagtitinginan.
"Andrea. Shh ka lang. Kilala ko kasi kung sino may gawa yun"
"Huh? Sino"
"Nandun din kasi si jen nun"
"I knew it!"
"May kasama siya eh. Pero di ko kilala. Lalake siya eh"
Siguro sinisiraan nya ako, dahil hanggang ngayon gusto nya si xander.
"Nasan siya?" Tanong ko sa kanila.
----
"Hoi! Jen" tawag koNapalingon naman siya sa akin.
"How dare you! Talagang sinisiraan mo ko noh?" Sigaw ko sa kanya
Halatang natatakot siya. Kasi naman kung gagawa siya ng kalokohan dapat handa siyang makipaglaban!
"Anong sinasabi mo andrea?" Sabi ni jen
"Lier! Sinungaling!" Sigaw ko
"Eh andrea, di ako ung may gawa nun!" Paliwanag nya
Di daw siya pero kinakabahan. Kalokohan. Napatingin ako sa ibang direksyon. Jane?
"What the heck?! Nakikipagkaibigan ka sa mga to?" Tanong ko sa kanya
"Andrea..."
"Jane! Wala akong kasama sa lunch sa recess tapos ikaw nandito kasama ng mga losers na to!"
Matagal na akong naiinis. Ano bang nagawa ko kay jane?
"Alam mo noon pa ako nagtitimpi sayo eh!" Nabigla ako ng sumigaw si corrinne
Agad naman siyang Inawat ni jen.
Kasali ba siya?
"Ano ba jen! dapat nga nasampal ko na to eh!, wala naman tayong kinalaman" Sabi ni corrinne
"Wow! So brave! Kaya kitang patalsikin dito sa school na to!" Sabi ko sa kanya. Akala niya ha?
"Edi okay! Para mawala ka na sa paningin ko" bwisit na bisit na sagot nya
"Whatever!"
Ngumisi nalang ako.
Napatingin nalang ulit ako kay jane, kawawa siya. Nakikipagkaibigan sa mga loka loka
"Okay jane, patatawarin kita, para di ka maging loser tulad nila. Pasalamat ka sinagip kita. Tara!" Sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako at umalis.
Napatigil ako at napatingin sa likuran. Naka tayo lang si jane at mukang walang balak sumunod sa akin.
"Hala! Gusto mo ding maging loser?" Sabi ko
"Jane! Tara!" Yaya ko pa
Napabugtong hininga nalang ako.
"Jane! Ako o sila?"
Katahimikan ang narinig ko. Walang sagot mula sa kanya. Nahirapan pa siya don?
"Ah, sila ang pinipili mo." Inis na sabi ko
"Bakit dahil kakampi mo silang sinisiraan ako?"
"Andrea? Anong pinagsasabi mo?" Tanong nya.
Nakakainis.
"Painosente!"
"Wala akong ginagawa andrea"
"Kala ko kaibigan kita? Bakit ka sumasama sa kanila ha? Edi ikaw nga yung may kasalanan" sigaw ko pa sa kanya
"Dahil masayang kasama sila."
Parang gumuho ang mundo ko. Di ba talaga ako naging maayos na kaibigan sa kanya?
Nangigilid na ang luha ko. Pero di ko pinapakita. Ayokong kinakaawaan ako.Bigla akong may naalala. Isang batang iyak ng iyak. Ako yon. Batang walang lakas lumaban
"Di na kita kaibigan andrea!" Sabi ng isang bata sa akin. Di ko siya mamukaan. Parang di maliwanag sa isipan ko ang muka nya.
"Noon pa lang pala niloloko mo na ako?" Tanong ko.
"Dapat ikaw ang tinatanong nan" sabi ni corrinne. Tinakpan ni jen ang bibig ni corrinne
Sa inis ko di ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko nalang tumakbo at umalis dito.
"Sa bagay!" Sabi ko para matapos na ang lahat.
Nanggigilid na ang luha ko. Kaya para di nila mapansin tumawa nalang ako.
Aalis na sana ako pero napansin ko ang bracelet nya sa kamay ko.
"Oh!" Tinapon ko sa kanya yon
"Di ko na kailangan yang basura na yan" sabi ko
Tinignan ko ang kamay niya. Wala ang binigay ko sa kanya.
Tumakbo ako paalis.
Wala na ba akong kwenta sa kanya.
Habang tumatakbo ako nangigilid ang luha sa mga mata ko.
Tumigil ako saglit at binuhos ang lahat ng luha ko.
Ano bang nagawa ko kay jane?
Parang bumalik agad ang lahat sa dati. Ang panahon na ayaw na ayaw kong balikan.
----
End of andrea's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...