"Ate pakisuyo po nung bayad" sabi nung lalaki saakin.
Kinuha ko ang bayad nya at inabot ko sa driver.
Nakakabored naman wala akong magawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang cellphone number ni xander.
Nakuha ko ang number nya nung naglunch kami. Nakakatuwa.
Tetext ko na ba? Or huwag.. Kinakabahan ako..
Pero gusto kong makipagclose sa kanya. Malay mo magkadevelopan. Oh diba? Bongga!
Pero paano? Ah alam ko na.
To: xander
Goodaftie! Nakakabored.
Gm..
Sent.
Gm kunwari noh?..
Inintay ko ang reply nya..
Maya maya lang
*tutuut*
Nagmadaling tinignan ko ang nagtext sakin. Malay mo si xander
From:0911*******
Eow po. Text po? Kain n po u miss jen ng buhay ko?
..
Uggh? Sino to? Wth? Jejemon?
To:0911*******
Whos this?
From 0911*******
Call me po baby mu po. How are u po? :'>
....
Di ko na nireplyan nakakabwisit. Bumaba na ako ng jeep. At pumasok sa bahay ko wala pa si lola, baka nasa shop pa. Nagbihis na muna ako at kumain.
Maya maya may kumatok kaya binuksan ko ang pintuan.
Nakita ko si andrea.
"Hi! Jen!" Nakangiting bati nito sa akin..
"Hello?"
"Pwedeng papasok" pumasok sya ng papilit sa loob ng bahay ko.. At kinuha nya ang cellphone ko sa may desk, umupo siya sa upuan
Tinignan nya ang inbox. Patay makikita nya ang text ko kay xander.
"Oh? Umaasa ka parin ba na makukuha mo siya?"
"Uhh, no"
"Gm? Pero sa isa lang? Wow? Ano na tyempohan mo na siya lang ang nasa contacts mo?" Sabi nya habang tinataasan ako ng kilay
"Hindi sa ganon. Gusto ko lang makipagkaibigan "
"Correction my dear! Makipaglandian" sabi nya
"Well, wala kang maaasahan jen. Hindi siya magiging sayo! Dun ka nalang sa mga panget mong manliligaw" nakangising sabi nya.
Narinig kong bumukas ang gate. Nandyan na si lola.
"Uhh. May bisita pala tayo! Kumain ka na ija?" sabi ni lola kay andrea
"Hi! Wag na po! Madami po akong pagkain. Nandito lang po ako para kay jen. Aalis na po ako." Pinandilatan ako ni andrea.
"Ah.. Osige ija. Ingat!"
"Opo! Ingat ka rin andrea" nakangiting sabi nya. At umalis na sya
Noon pa lang si andrea na ang karibal ko sa lahat. Well, siyempre mas matimbang si andrea dahil sikat siya.
Tinignan ko ang cp ko..
Wala na ang number ni xander
For sure aawayin nanaman ako nitong si andrea sa school bukas.
-----
End of jen's pov

BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...