Chapter 9 (Jen's pov)

33 0 0
                                    

Kakatapos ko lang sauluhin ang lines ko para sa play.

Napagisipan ko na tumulong sa paggawa ng props. Malay mo diba dagdag grade?

"Ako na" kinuha ko ang papel na hawak hawak ni justin

"Oh. Edi ikaw" padabog na binigay niya ang papel at gunting sa akin.

"Ayos role mo ah" dagdag pa niya

"Tse! Inggit ka lang !"

"Ako maiinggit? Butterfly? Never kong inasam yon!" Sabi niya

"Eh ikaw nga? Wolf? Anyare?" Sabi ko

"Oh bakit ba?"

"Wolf walang patner! Dati lagi kang may patner ah? Naunahan ni jake sa pagiging prince?"

"Wag mong isali yon! Saka mas maganda nang wolf. As in dami kong eksena."

"Ppfft!"

"Saka may patner ako" tumayo na siya sa pagkakaupo niya tapos ginulo ang buhok ko.

"Ay, ano ba!, wala kaya!" Sabi ko habang hinahampas hampas ko ang kamay nya.

"Walang wolf kung walang moon. Kaya kaylangan lagi ng wolf ng moon." Pabulong na sabi niya sa akin. Tapos umalis na

Loko talaga >.<

"Ayy. Seyzie!" Tawag ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin

"Kukuha ka na ba ng exam? Papunta ka na dun sa room?"

Tumango siya bilang sagot

"Pabigay kay maam" binigay ko sa kanya ang papel. Nakangiting kinuha nya ito "salamat!" Dagdag ko.

classmate ko na si seyzie pamula nung 2nd year. Mabait naman siya. Kaya lang laging magisa. Laging nagbabasa. Di kaya siya naboboring dun?. Maganda naman siya? Kaya lang ayaw nyang magayos. Balita rin dati ang pangbubully ni pamela sa kanya. Actually. Sa sarili nyang pinsan. Buti nalang at di ko pa nagiging classmate yang si pamela.

Napahawak ako sa cellphone ko dahil may nagtext.

Dali dali ako tumakbo palabas ng school.

Isang text na nagpaguho ng mundo ko.

----
End of jen's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon