Chapter 8 (seyzie's pov)

37 1 0
                                    

Sunday. Boring talaga pag sunday. Pero eto ako ngayon. Nasa school library. Bukas kasi ang school namin ngayon dahil may paligsahan sa araling panlipunan mamaya. At kasali ako doon.

"Pwedeng patabi?" Tanong ng isang lalake.

Pinatong nya ang book nya sa table ko
At tama. Hindi kayo nagkakamali. Si justin nga

Tumango nalang ako

"Magirap daw ang question mamaya. Kaya dapat magaral" kasali din kasi siya para mamaya

"Pano mo nalaman?"

"Sabi sakin nina kevin. " binuksan na nya ang libro nya.

"Okay" matipid na sagot ko.

Nagaral kami doon, medyo kinakabahan nga ako dahil sa sinabi nya. Feeling ko matatalo ako.
~~
"Congrats! Sayang 1 point nalang talo kita. Sabagay napakagentleman ko." Pangiirita nya.

Nanalo ako 2nd place nga lang.

Tumango ako at nagderetsyo na sa locker ko. Pinapauwi ako ni mama ng maaga eh. May birthdayan kasi.

Inayos ko ang locker ko at kumuha ng ilang libro. Magaaral nanaman ako.

"Hoi nerd!" Napatingin ako sa nagsalita.

"Pamela," mahinag banggit ko.

Nalaman na nya kaya ang pagsumbong ko.

"Kawawa ka naman! Hanggang ngayon walang KAIBIGAN" Yumuko nlang ako. Sanay na ako kay pamela

"Nerd!" Bangit pa nya. Tapos umalis na
*****
"Seyziee! Tignan mo to" nagtatakbo palapit sa akin ang isang 12 years old na bata.

"Sinulatan ako ni drake." Pinakita nya sa akin ang papel.

Lumapit siya sa akin at umupo kami sa isang bench.. Sobrang close kami ni pamela. Halos lahat ng bagay parehas kami. Parang kambal na nga kaming dalawa. Ang pagkakaiba si pamela. Mayaman.

"Basahin mo"

Dear, pamela
Natangap ko ang sulat mo. Gusto rin kitang maging kaibigan.

"Sa tingin mo? Anong sasagot ko?"

"Edi gusto rin kitang maging kaibigan"

"Seyzie naman eh" pagrereklamo nya.

"Pamela, uuwi na ako. Baka gabihin ako"

"Hindi ka nalang sumabay saamin?" Tanong nya

"Nakakahiya kay tita. Wag na"

Ngumiti nalanag siya at nagpaalam.m

Palabas ako ng gate ng masalubong ko si drake. Pawisan siya, siguro ay katatapos lang nya lang maglaro.

Tulad nong dati pa man ngumiti siya sa akin.

"Hi seyzie!" Bati nya.

"Pwede ba kitang yayaing kumain?" Tanong nya. Sabay sabay siyang kinatyawan ng kanyang mga kaibigan

"Yown!" "Aamin na yan" "sa wakas" "go drake" mga naririnig kong sigaw nila.

Teka bakit kinakabahan ako. . Ayokong sumama, baka magpapaturo nanaman siya.

"Hin-" bago pa man ako maka hindi, hinila nya ako paalis.

"T-teka drake" nagsunudan ang mga kaibigan nya.

Dinala nya ako sa garden ng school namin. Doon nakita ko ang mga effort nya. Magpipicnic daw kami.

"Sabihin mo na!" Biro ng mga kaibigan nya.

"5..4.. Kami magsasabi" sabi ng isa pa nyang kaibigan

"3...2..." Sabay sabay na bilang nila

"Gusto kita!" namumulang sabi nya sa akin.

Tumibok ang puso ko. Napakalas nito

Pero isang napakalakas na sigaw ang nagpatigil nito. Nagpatigil ng lahat..

"Seyzie!" Lumingon ako sa sumigaw.

"Pa-pamela" mahinang banggit ko.

"Napaka-sama mo seyzie!" Tumakbo siya paalis. Umiiyak siya non

Sa hindi inaasahan. Sa pagtakbo ni pamela. Hindi nya siguro nakita ung kotse na umaandar. Nabungo siya nito.

Inamin ko din kay drake ang lahat. Na gusto siya ni pamela, at hindi ko siya gusto.

Pamula noon. Ni minsan hindi na ako napatawad ni pamela. Lahat ng bagay na parehas kami pinatatapon nya. Halos di na nya ako pansinin. Inaaway nya ako sa schoola at pinahihiya.

1st year kami nung lumipat kami sa school na to. Di kasi kami hinahayaan ng magulang namin na magkahiwalay kami. Mabait sa akin ang mami ni pamela. Kaya minsan pag may babayaran siya ang sumasagot nito. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. Umaasa parin siya na magkakabati kami ni pamela.

Kaya kahit paulit ulit nya akong awayin. Hindi ko siya kayang gantihan.
****

Pero sumusobra na siya. Sumosobra na si pamela. Hindi ko na hahayaan pang makasakit siya ng iba..
---
End of seyzie's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon