Chapter 3 (jane's pov)

80 3 0
                                    

"Jane bilisan mo ngang kumain dyan!" Pagsesermon nanaman saakin ni andrea kanina pa sya ganyan.

"Oo na andrea!" Tuluyan kong inubos ang pagkain ko.

Tumayo na kami at naglakad lakad papunta sa classroom

"Panget! Wala akong assignment sa math pakopya ako later haa!" sabi ni andrea kay angelo

Pansin ko kay andrea. Hindi naman panget si angelo sa katunayan may salamin lang siya at magulo ang buhok pero pag inayusan. Bonngga!

Papasok na kami sa classroom nang nakita namin ung isa naming kaklase na binubully nanaman na taga ibang section.

"Anong kaguluhan to!?" Nasindak ang mga bully nagulat kay andrea.

"Ah! Andrea? Bat ang aga mo?" Sabi ni denise

"Pake mo?" Kinuha ni andrea ung tinapay na kinuha ni denise dun sa binubully

"Wala ka bang pera? Napakahirap mo naman? Pati tinapay kinukuha mo?" Sabi ni andrea dun kay denise

"Hindi noh!" Sabi ni denise

"Kawawa, or baka di ka binibigyan ng tatay mo na mayari ng isa sa sikat na company?" Sabi ni andrea

"No, fine sorry!" Galit na naglakad si denise papasok ng classroom.

Nabully kasi si andrea noon kaya mahilig siyang magtanggol ng iba. Ibang klase rin si andrea.

Ayaw nya na naaapi siya o may naaapi. Oo salbahe angbestfriend ko pero sa mga bully lang sa school namin. Nakikipagaway siya sa lahat pero di naman ung tipo na nasasaktan na nya o napapahiya na nya ung iba. Siguro kailangan lang nilang matutunan intindihin si andrea.

"Andrea! Andrea!" Hinihingal na lumapit si drake sa amin.

"Ah--- ti- na- tinatawag ka ni x-hander sa gym" hinihingal na sabi nya sa amin.

"Bakit?" Matipid na sagot nya

"Basta pumunta ka nalang"

Bumaba kami ni andrea sa gym. Nakita namin si xander na may hawak na mic at bulaklak.

"Anong gagawin nya andrea?" Tanong ko

"Baka kakain?" Pilosopong sagot ni andrea

"Ay bakit sa gym pa at hindi sa canteen?" Tanong ko. Tama naman ako. Dapat sa canteen nakain.

Inirapan nalang ako ni andrea.

Nung nagsimula na ang tugtog doon ko napagkaalaman na kakanta siya.

--

Ngayon nakaramdam ako ng inggit.. Naiingit ako kay andrea.

Oo sinasabi nila na mas gusto nilang kaibigan ako kesa kay andrea. Pero bakit si andrea may nagmamahal sa kanya? I mean? May boyfriend siya na alam kong mahal na mahal siya.

Sa mga oras na iyon, napansin ko din na hindi na ako pinapansin ni andrea.

Sana hindi nya ipagpalit ang friendship na meron kami ngayon sa relationship nila.

Dahil ngayon palang. Ramdam na ramdam ko na handang handa na nya akong iwan.

____

End of jane's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon