Chapter 6: (Corrinne's pov)

59 1 0
                                    

"Grabe friend, nakakakilig talagaaaa"

"Grabe ka naman"

Kilig na kilig ako sa kwentuhan namin ni jen ngayon. Balak ba talaga ako ligawan ni kealu.
jusko. Parang nalipad ako.

May tumabi nalang bigla sa akin

Ba't sya naandito? Nakakaasar! Nakakawalang gana tuloy kumain.

"Wala na may epal na" sabi ko kay jen

"Asan? Siguro pogi un?" Sabi ni kean sakin

nagtuloy tuloy lang ako sa pagkain ko.

"Ay! Corrinne may gagawin pa pala ako sa room! Alis na ako ha? Bye!" Tumayo na siya at tumakbo na paalis

"Ui, jen!" Tinawag ko siya

"Bye bye" nagwave nalang siya sakin

The best! Ang swerte ko sa kaibigan ko gosh!

"Ngayon tayong dalawa nalang" inakbayan nya ako

Juskow! Germs, germs!!

Tinangal ko ang kamay nya sa balikat ko.

"Grabe ang arte! Swerte mo nga eh!" Sabi nya sa akin.

"Malas kamo!"

"Pogi pogi ng katabi mo eh. Tignan mo pinagtitinginan tayo."

"Baka ngayon lang sila nakakita ng panget?."

"Kapal mo! kapag ba tumitungin ka sa salamin hindi ka nakakakita ng panget?"

"Hindi. Prinsesa ang nakikita ko." Inayos ayos ko pa ang buhok ko.

"At ako ang prinsipe mo. ;)" yuuuck! Talagang may kindat pang nalalaman.

"Yuckkk!" Naudwa udwa pa ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ang prinsesa ko."

"Ano nga kase? Ang dami namang bakanteng upuan oh."

"Ayaw mo ba makasama ang pinakapoging tao sa mundo?" Nagpout siya

"Wag mo nga akong pinaglololoko!"

"Pero parang ayaw mo. Ang sakit sakit." Napaka. Nakakainis ah.

"ARTE-ARTE! PARA KANG BABAE!" Sigaw ko

"Ang sakit mo namang magsalita!" May acting siya na naluluha luha pa siya

"Napakasama mo" At tumakbo sya palabas ng canteen.

"Napakaarte!" Bulong ko.

Di ko na sana susundan pero. Dinadalaw ako konsensya ko. Nakakainis.

Sinundan ko sya. Nung naabutan ko na sya hinawakan ko ang kamay nya para maiharap sya saakin.

"Sorry na!"

"Hahahahaha! Galing ko umarte no?" Anak ng! Naloko na.

" ay putspa! Ang sama mo! Di mo ba alam na dinadalaw ako ng konsensya ko?

"Best actor goes too.. Tanananan! Kean!!" Ay nag bow pa sya sa harap ko.

"Baliw" bulong ko

"Yup! Baliw na baliw sayo!" Tinignan nya ang kamay ko na nakahawak pa sa kamay nya.

Napanganga ako. Wth? Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kanya.

"HINAWAKAN NI CORRINNE ANG KAMAY KO! WOOOO!" Aba! At talagang isinigaw pa. Patalon talon pa sya.

"FEELINGERO!" Nakakahiya.

Andaming nakatingin. Sana kainin na ako ng lupa ngayon.

"KAW TALAGA! If I KNOW PANGARAP MO YUN!"

"KAPAL MO OY!"

Tumakbo na ako. Hindi ko na sya hinintay pag mag salita. Nakaka asaaar! Makapunta na ngalang sa classroom bwiset na kean yan o.

-----
End of corrinne's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon