Uwian na.
Naglaglagan ang libro ko, dinali kasi ako ni pamela. Napatingin ako sa kanya, nagtatawanan sila ng mga kaibigan nya. Tapos umalis na.
Pinulot ko isa isa ang libro ko.
"Di ka kasi nagiingat" tumingin ako sa nagsalita si jen, tinulungan nya akong magpulot
"Sa susunod magiingat ka angdaming salbahe dito" sabi niya sa akin
"Di porket mas mayaman sila kesa saatin dapat ginaganan na nila tayo" inabot nya sa akin ang libro ko
"Ah, thank you" nakatungong sagot ko sa kanya.
"Jen!" Tawag ni jane,.
Nagwave si jen saakin tapos.Tumakbo na siya papunta sa kanya si jen.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si andrea, nagaway kaya sila ni jane? Bakit di nya kasama si jane ngayon?
"Andrea!" Tawag ko
Lumingon siya sa akin at tinaasan nya ako ng kilay.
"G-gusto kitang kausapin"
Palapit na siya sa akin ng may tumawag sa kanya
"Babe!" Napatigil si andrea sa paglalakad.
Umakbay naman si xander sa kanya.
"Ano yon?" Tanong ni andrea nung nakalapit na siya sa akin.
Hindi ako makakapagsumbomg s kanya. Katabi nya si xander.
"Ah- w-wala"
Ngumisi siya. "Sa susunod, siguraduhin mo munang may sasabihin ka"
Umalis na siya pagkatapos nun, silang dalawa actually.
Nagpatuloy narin ako sa paglalakad. Huwag ko nalang kayang sabihin?
Makokonsesya naman ako.
Bahala na nga.
Nkita ko si justin. Papalapit siya sa akin. Ngumiti siya.
"hoy nerd!" Tawag nya,
"Ayos ka lang?"
Tumango ako.
"Justin!!!" Sigaw nung kateamates"
"Ay wait!" Tumakbo na siya pabalik sa mga kateamates nya.
Naglakad na ulit ako paalis.
Napagisipan ko. Dapat pala sabihin ko na. Malay mo sa ganung paraan magustuhan nya ako?, edi magkakaroon na ako ng kaibigan.
Tama, bumalik na ako. Tumakbo ako.
Nakita ko si andrea, magisa lang siya. May kinukuha siya sa locker nya.
"Andrea?"
Tumingin siya sa akin
"Naku! Siguraduhin mong maysasabihin ka"
"Asan si xander?"
"Iniintay niya ako sa labas, magaaral kami, bakit?"
"Andrea may gusto sana akong sabihin sayo"
Sinara nya yung locker nya. Tapos tumingin siya sa akin.
Tumingin ako sa paligid. Sinisigurado ko na wala si xander o kung sino man sa grupo nya.
"Si xander kasi"
"What?! Bilisan mo"
"Si xander niloloko ka lang nya"
----
End of seyzie's pov
BINABASA MO ANG
Friendly Enemies
Teen FictionWell, iba iba tayo sa mundong ito. May sarisariling problema, may sarisariling barkada, may sarisariling pinagkakaabalahan. At sa kwentong ito. Magtatagpo ang mundo nila. Iba't ibang kwento. Iba't ibang buhay. Ibat ibang pananaw. "A Book Is A Friend...