Chapter 9 (andrea's pov)

30 0 0
                                    

Nakakatamad mag aral!

Dumaretsyo na ako sa special room at pinatong ang bag ko sa bakanteng upuan. Ayos katabi ko si seyzie pwedeng mangopya.

Nagcr muna ako. Pag balik ko nakita kong may ginagawa si seyzie sa bag ko.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Ay!" Dali daling umupo si seyzie habang hawak ang papel na nakuha nya sa bag ko.

"Oy! Ano yan!" Sabi ko

"W.wala" kinusot nya ito

Weird!

"Baka kung anong ginawa mo sa bag ko!"
Tinignan ko ang loob ng bag ko.ayos naman walang nawala. Parang di nga nagalaw eh.

Kukunin ko sana sa kanya nag papel ng dumating ang magiging bantay namin.

Nilagay ni seyzie ang papel sa loob ng bag nya. Parang kinakabahan pa siya

Binigay na sa amin ni sir ang mga exam.

Nangangalahati palang ako sa pageexam ng patigilin kami ni sir. Dumating ang principal namin

"Guys, may nagbalita sa akin na may kumuha ng answer sheet para sa exam na to"

"Ichecheck ko lang ang bag nyo para-"

"Mamamaya nalang!" Sigaw ko

Umiling si maam at tinignan ang bag namin.

Okay lang wala naman sakin. Nagpatuloy lang ako sa pageexam. Napatingin ako kay seyzie. Di siya mapakali.

Nung mismong si seyzie na ang tinitignan halatang kabadong kabado sya.

Nagulat ako ng biglang tawagin ni maam si seyzie at niyaya nya itong pumunta sa principal office.
Hawak din ni maam ang nakakusot na papel. Hindi kaya iyon ang nakuha ni seyzie sa bag ko?

Hindi kaya? Tinulungan nya ako.

Dali dali kong sinagot ang exam ko at tumakbo papunta sa principal office.

Nakita kong naglalakad palabas si seyzie.

"Seyzie!"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Ang weird talaga

"Sabihin mo sa akin? Sinong naglagay nun sa bag ko?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya

"Ha? S-sakin nakita hi-"

"Alam ko un ang nakuha mo sa bag ko!" Sabi ko pa

"Andrea"

"Mapapahamak ka seyzie! Pag di mo sinabi ang katotohanan"

"Seyzie.. Ako nandaya . Dapat lang talaga sa akin yon"

"Alam kong hindi yan totoo"

"Andrea kasalanan ko to"

"Bakit ba lagi ka nalang natatakot?, umamin ka, mapapahamak ka nan!"

"Mas lalo akong mapapahamak kapag sinabi ko ang katotohanan"

Tumakbo na siya palayo sa akin. Pilit ko siyang tinatawag pero di siya lumilingon sa akin.

Medyo nakonsyensya sa nangyari.

Kung hindi nya nakuha yun sa bag ko. Ako ang mapapahamak. Pero kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Pero bat ba nya ginawa yon? Saka bakit ayaw nyang sabihin sakin kung sino ang may gawa nun?

---
End of andrea's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon