Chapter 8 (corrine's pov)

31 1 0
                                    

"Ayoko nang sumama" inis na sinabi ko kay jen.

Hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa nagyari. Wahh.. Ayoko ng isipin yon. Bitter na kung bitter. Wag kayong makialam!

"Sige na friend!" Pagmamakaawa nya.

"Ikaw nalang jen! Masama pakiramdam ko" pagsisinungaling ko.

"Eh?" Hinawakan nya ang leeg ko. Pinakiramdaman nya kung may sakit ako.

"Wala naman eh" sabi nya.

"Ikaw na nga lang"

"Eh? Parang excited ka nung isang araw. Anong nangyari ba?"

"Wala" walang ganang sagot ko sa tanong nya, nakaupo kami ngayon sa sofa. Naguusap kami.

Nakabihis na kasi si jen. Talagang gusto nyang pumunta doon.

"Daya! Sayang damit ko oh?" Tumayo siya pinakita nya ang damit nya. Nakadress siya na blue.

"Pumunta ka na nga don! Susunduin ka nga" sabi ko.

"Susunduin TAYO! Saka di naman ako ung kababata. Di kami close"

Di nga kayo magkababata. Ikaw naman yung gusto nya.

May kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita si kealu.

"Oh? Bat di ka pa bihis?" Tinignan nya ako

"Di ako sasama! Masama pakiramdam ko." Sorry lord. Nagsinungaling ulit ako.

"Sayang naman. Gusto kang makita ni kelly"
Tumabi sa akin si jen.napatingin si kealu. At tama. Iba ang tingin nya kay jen. Ang sakit!

"Sayang nga.. Next time nalang" ngumiti ako.

"Daya daya naman" rinig kong bulong ni jen, di ko kasi siya tinext na di ako sasama. Kasi for sure di narin siya makakasama.

"Okay?. Tara jen?"

"Hmmp!" Tinarayan ako ni jen tapos pumasok na sa loob ng kotse ni kealu.

"Sure ka?" Ngumiti si kealu sakin. " mukang wala ka namang sakit" dugtong pa nya.

"Eh! Para maging close kayo" ouch! Mas sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Ngumiti siya at Umiling. Tapos naglakad na papunta sa kotse. Bago siya pumasok tumingin siya sa akin at nagwave. Inirapan ko nalang siya.

Ang swerte ni jen. Naiingit ako, nagseselos ako. Bakit lahat nakukuha nya?

Nang makaalis sila sinara ko ang pinto at dumaretsyo sa kwarto. Grabe naman. Ano bang kasalanan ko? Wahh!

Sumigaw ako sa kwarto. .

Naaalala ko parin...
------ (flashback)
"T-talaga sino?"

Ako?

"Si.."

Ngumiti ako sa kanya.

"Si jen..."

Unti unting bumagsak ang lundag ng puso ko. Nawala ang bituwin at parang sinampal ako ng katotohanan.

Ang sakit umasa.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

"Oo" yumuko ako. "Yiee, ikaw ha. Sa. Sa bestfriend ko pa talaga" pangaasar ko

oo nga sa bestfriend ko pa talaga ha?

"favor?"

Ayan nanaman gusto kong tumangi kaya lang baka mahalata nya.

"Okay"

"Gusto ko siyang maging close pa. Gusto ko siyang maging kaibigan.."

"....." Walang reaksyong sagot ko

Sabihin mo corrinne, no! Ayoko! Hindi pwede! Magisa ka! Kapal! Di tayo close!

"Please?" Pagpapaawa nya.

"Okay" matipid na sagot ko sa tanong nya.

What the heck?

"Yeeyy! Your the best corrinne!" Niyakap nya ako,

"Tay naring nyo yon?" Sigaw nya habang nakatingin sa bituwin

"The best ka talaga kababata!"

The best kababata. The best umasa award. The best of all nafriendzone, or nakachildhoodzone

Tumulo ang luha ko pero siguro naman di nya napansin yon dahil nakatingin siya sa langit

"Nahihilo na ako kealu! Uwi na tayo"pagsisinungaling ko makauwi lang

"Okay!" Masiglang sabi nya.

Buti pa siya..

Buti pa siya masaya..

Ang sakit kaya ng ginawa nya.

Or ginawa ko..

Umasa kasi ako.

Pano na ung promise nya?

Sabagay pangbata lang yon at siguro lokohan lang para sa kanya.

Ay oo nga pala. Past is past

Bwiset naman na love yan. Di na ko uulit pa!
***
---
End of corrinne's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon