Chapter 3 (andrea's pov)

82 4 0
                                    

Pinapakingan ko ang kanta ni xander sa akin.

Feel na feel ko ang bawat linya na ipinaparating sa akin ni xander.

Mahal na mahal ko si xander. Siya ung tipong alam ko at sigurado akong hindi ako iiwan

"So don't act like it's a bad thing to fall in love with me

'Cause you might look around and find your dreams come true, with me

Spent all your time and your money just to find out that my love was free"

Sigurado ako, hinding hindi nya ako iiwan.

"So don't act like it's a bad thing to fall in love with me,

It's not a bad thing to fall in love with me, "

Niyaya nya ako sa stage. Nakikita ko ang dami ng tao na nakatingin sa akin. Sa mga panahon na ito. Ramdam ko na may nagmamahal sa akin. At tangging si xander lang ang nakagawa nito.

---

Nagpaalam ako kay kuya erik na may pupuntahan lang ako ngayon.

Kasama ko si xander sa isang date.

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ko sa kanya.

"Dahil handa akong ipagmalaki ka"

"Na nakuha mo ang heartthrob sa school?" Sabi ko

Natawa siya

"Hindi, na akin ka lang" tumibok nanaman ang puso ko,

Ramdam ko ang pagkasincere nya. Handa na ako. Handang handa na ako na mahulog ng tuluyan sa kanya. Dahil alam ko na di nya ako sasaktan.

"Mahal kita" sabi ko sakanya

Napangiti siya "alam ko yon andrea"

Napangiti ako. Bakit ang swerte swerte ko sayo xander.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Uwi na tayo?"

Ayoko pa sanang umuwi pero tumango nalang ako.

Habang naglalakad kami pasakay ng kotse may nakasalubong kaming grupo ng mga lalaki.

"Ooyyyt! Hi xander!" Sabi nung isang matabang lalaki

"Bago mong paen?" Sabi nung isa pa nilang kasama

"Danny? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni xander sa kanila.

"Kakain? Natural?" Sabi nung matabang lalaki na si danny ata.

"Pwes kumain na kayo. Aalis na kami" akmang lalakad na sana kami ni xander ng pigilan kami nung lalaki.

"Pakilala mo naman kami sa kanya, tutal for sure hihiwalayan mo di naman"

Napatingin ako kay xander galit na galit siya.

"Oo nga xander! Di ka naman nagseseryoso sa lahat!"

Nagulat ako ng hilahin ako papasok ng kotse ni xander. Pinapasok nya ako sa loob. Doon di ko narinig ang usapan nila.

Ilang saglit lang pumasok na siya sa kotse. Walang galos ang muka. Ayos na ayos siya.

Isa lang ang pinagtaka ko. Ung mga lalaki. Bakit nakangiti silang nagpaalam kay xander.

Tama ba na mahulog ako sa kanya?.. Ay no andrea! Tama lang. Mahal ka ni xander! Mahal na mahal!

"It's not a bad thing to fall in love with me,"

---

End of andrea's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon