Chapter 5 (corrine's pov)

62 2 0
                                    

Bumukas ang pintuhan sa bahay nina tita.

"Tita!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko si tita eh.

"Corrinne! Ang laki laki mo na!"
Pinapasok kami ni jen sa bahay nina kealu

"Umalis si kealu, susunduin dapat kayo. Tetext ko nalang"

Ngumiti ako.

"Tita si jen nga po pala, bestfriend ko" tinuro ko si jen.

"Ah hi jen, teka pagbabake ko kayo nang cookies ko" nagpunta na si tita sa kitchen

Wahhh favorite ko yon yees!

"Grabe! Ang pogi pala talaga ni kealu bata palang" napatingin ako kay jen, tinitignan nya ang mga batang picture na nakadisplay sa wall.

"Ay eto friend," kinuha ko ung photoalbum ni kealu

Naghalungat kami ng mga pictures nya, grabe andami ko rin palang pictures doon. Kitang kita na super friends kami.

"Eto! Yan ung time na lilipat na sila sa italy" tinuro ko ang larawan ng isang batang babae at isang batang lalake na magkayapos. Nagpapaalam sa isat isa.

"Bwhaha, angpanget mo palang umiyak bata palang" tinignan ko siya ng masama.

Nakita ko rin ang mga larawan nung nakalipat sila ng italy, kung paano siya lumaki at ang first day of school nya doon.

"Teka friend parang pamilyar ako sa muka nya" tinuro nya ang isang picture doon, united nation ata ito tapos si kealu may kasamang batang babae.

"Oo nga, teka di ko maisip kamuka nya" tinitignan tignan kong maigi ung muka.

"Ay teka friend, ang lapit naman sa girls nitong friend mo" sabi ni jen sa akin

"Maka mama's boy kasi" bulong ko kay jen.

Pumasok ng bahay si kealu.

"Andito na pala kayo, balak ko sana kayong sunduin. Teka papalit lang akong damit basa eh" tumaas na siya ng kwarto.

"Basa? Di naman naulan ah?" Sabi sa akin ni jen

"Ewan." Sinara ko ung photoalbum tapos nigay ko ulit dun sa pinaglagyan nya.

tumunog ang cellphone. Tinignan ko kung sino iyon.

From: halimaw
Hoy! Ung earphones ko na hiniram mo kanina akin na!

To: halimaw
Bukas ko na dalhin!

From: halimaw
Magnanakaw!

To: halimaw
Maka magnanakaw ka. Lagyan ko pang glitters earphone mo! Bwiset!

"Oy friend, sinong ka text mo?" Sabi ni jen sa akin

"Si kean"

"Uyyy? Haha"

"Ano ka ba! Nasa bahay tayo ni kealu!"

Syempre nakakahiya naman kay kealu diba? Ayiie :)

"Ay sorry pala ha, umalis kasi ako. Susunduin ko sana kayo. Kaya lang wala akong number nyo."

Binigay namin ni jen ang number namin kay kealu.

"Sa susunod tetext ko nalang kayo."

"Oh mga anak!" Nilagay ni tita ung cookies sa harap namin.

Grabe favorite! Di parin nagbabago! Namiss ko tooo!

----
End of corrine's pov

Friendly EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon