Introduction & Prologue

1.6K 45 2
                                    

We Know We Can

© Hardheadeddouche


PLAGIARISM is defined in dictionaries as the "wrongful appropriation," "close imitation," or "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. (by WIKI)


A/N: BOOK 3 po ito. Sorry kung mahaba na. Pero kung tinamad na kayong basahin ang BOOK 1&2 ng masakit sa utak at pusong story na to then you can stop reading from here. Hindi ko po kayo pipiliting basahin pa kung ayaw nyo na. Ang BOOK 3 po ay tingin ko'y mas magulo pa kumpara sa BOOK 1&2. Brace yourselves. Dual POV na po ito. POV ni JUSTIN at TARRA. Mahal ko po talaga ang dalawang to kaya kahit sobrang nakakairita na silang dalawa hindi ko pa rin sila matapos. Sana po maintindihan nyo. Mwa! PROMISE WALA NG BOOK 4 hahahaha. Trilogy nalang talaga.


PROLOGUE:


May anim na taon na rin ang nakalipas simula ng iwan ko sya, simula ng sinumpa ko sa sarili kong huli na yon at hindi na magbabago pa.


May limang taon na ang nakalipas simula ng gumaling ako ng tuluyan sa sakit ko, matapos nyang puntahan ako at hingin ang kapatawaran ko at manghingi ng isa pang pagkakataon para sa pagmamahalan naming dalawa, matapos kong hindian sya at ibigay ang kalayaang matagal na dapat naming naibigay sa isa't isa, matapos naming tapusin ang matagal na dapat tapos, kinumbinsi ko ang sarili kong hindi na kami babalik sa piling ng isa't isa para hindi na ulit magkasakitan pa, kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi na masakit, na makakalimot ako at makakabangon rin ako.


May apat na taon na ang lumipas simula ng mangpanggap akong hindi na ko naaapektuhan sa mga alaala nya, na nakalimot na ko sa lahat ng pinagdaanan ko at hindi na nasasaktan sa lahat ng ginawa kong pagpaparaya at pagpapakatanga. Nagpakasal ako sa iba, nagpanggap akong masaya at kuntento na sa taong pinakasalan ko kahit sa loob loob ko sya pa rin ang mahal ko at sya lang talaga ang posibleng mamahalin ko sa buong buhay ko.


Mahirap pala talagang lumimot lalo na kung sobrang dami na ng pinagdaanan nyo, kung sobrang minahal mo sya, kung sobrang dami ng naibigay mong pagmamahal sakanya na kulang nalang patayin mo lang ang sarili mo mabalik lang kayo sa isa't isa. Mahirap pala talagang lumimot kapag sobrang dami ng bagay na pinagsisisihan mo, yung mga bagay na nagawa mo na at yung mga bagay na dapat ginawa mo pa. Mahirap pala talagang lumimot kapag sobrang mahal mo pa pero huli na.


Huli na nga ba? Hindi na nga pwede? Pero ilang taon na. Anim na taon na ang lumipas.


-

To be continued..

We Know We Can (book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon