We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
Tarra's POV
"Travis ayoko na. Please understand hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magstay sa relasyon na to."
Minsan iniisip ko kung bakit kailangan kong magkaganito. Kung bakit kailangan kong gumamit ng iba para lang makalimutan sya. Doktor ko si Travis. Isa sya sa mga doctor ko. May gusto sya sa akin bago pa man ang mga sessions ko and I knew it by then but I never tried to confirmed it from him. Ayokong mag isip ng kahit ano, dahil ang kahit anong isipin ko ay mapupunta lang sa lalaking pinakamamahal ko, pinakamamahal ko na sinukuan ko rin dahil napapagod na ko.
Wala akong kahit na sino. Malayo ako sa pamilya ko, hindi ko na kinontak ang mga kaibigan ko maliban kay Matthew na ilang oras ang byahe sa eroplano ang layo mula sa akin, ni wala na rin akong contact kay Justin. Pakiramdam ko mababaliw ako sa kalungkutan noon at hindi dahil sa sakit ko.
By those time that I'm alone he asked me kung pwede ba raw nya kong ligawan. Ng mga panahon na yon ay ang makalimutan lang si Justin ang tanging nasa isip ko kaya agad agad ay um-oo ako. Matapos ang isang taong panliligaw, ay sinagot ko sya, he proposed a year and a half after and I also said yes. The wedding was the most saddening part. Kasal ko yon pero dahil hindi ko sya mahal ay pakiramdam ko burol ang nagaganap at hindi kasal. I feel like I'm already dead.
Ginamit ko si Travis. Ginamit ko sya para madivert sa iba ang atensyon ko. Ginamit ko sya para makalimot ako kay Justin. Sa una, oo, gumagana, kahit papaano ay nakakalimot ako pero kapag hindi ko na sya kasama at mag isa nalang ako sa kahit anong puntahan ko ay doon pumapasok sa akin ang lahat ng mga alaala ng nakaraan. Lahat ng pagsisisi. Lahat ng katangahan. Ilang taon ko syang sinuyo. Ilang taon rin akong nagtiis pero ako rin ang umayaw at sumuko.
Hindi kilala ni Travis si Justin. Wala akong nabanggit sakanya na kahit sino man sa mga nakaraan ko because I want that to stay in the past. Kaya ng magpakasal kami ay halos puro kamag-anak nya ang mga bisita at ilan lang ang sa akin. Dad was happy for me, not caring if I'm really happy and inlove with the man that I marry. Kuya Drey was there too with her wife and their kids, nandoon rin si Drew na ikinagulat kong nagpakasal bigla sa iba makalipas ng ilang taon and Matthew, he's there too, sa lahat ng mga nandoon ay sya lang ang nagtanong sa akin kung sigurado ba ko sa desisyon ko. Sya lang ang nagtanong kung magiging masaya ba ko kapag ginawa ko yon. Of course I lied to him. I told him that I will be fine and if not I eventually will be but right now? All I want is to get back there and see how everything that I left is doing.
"You're really pushing it Taharra? What did I do for you to do this me?! Wala akong ginagawang masama! Tatlong taon na tayo but then this? Meron bang iba?" Sigaw nya. Despite of being angry he remain calm like he always is.
Wala naman talaga syang ginagawang masama o ayaw ko. He didn't even lay an eye on any girls with or without my presence. Ni hindi nya ko pinagbubuhatan ng kamay, sinisigawan o kahit anong nakakainsultong pwedeng ikawala ko ng gana, madalas nga kapag ayokong makipagsex ay ginagalang nya ang gusto ko, kahit pa pangangailangan nya yon na kailangan kong punan ay hindi nya ko pinilit ni minsan. Ganoon sya ka loyal, ka faithful, kabait sa akin, ganon nya rin ako kamahal. He's too perfect at ako lang talaga ang may deperensya. For all those year I never fell in love with him that deep. Para bang platonic lang ang pagmamahal na nakayanan kong ibigay kay Travis at wala ng kahit ano pang pupwede bukod doon. It didn't even reach the love I had and still have for Justin.
"No Travis. There's no one involved. I-I just want to be free. Pakiramdam ko nasasakal na kasi ako eh."
"Wow!" Natatawa nyang sabi. Umiling iling sya at hinilot ang sentido nya. He's loosing his patience and I don't know what he's capable of doing.
Inilagay ko ang mga damit ko sa suitcase pero lumapit sya sa akin at tinulak palayo sa akin ang suitcase. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Tarra you know how much I love you right? Tarra naman. Wala kasi akong maintindihan eh. Wala naman akong ginawang mali di ba? Kung nasasakal ka? Fine! Hindi ko papakielamanan ang kahit anong gusto mong gawin but don't fucking file that divorce papers dahil hinding hindi ko yan pipirmahan."
Huminga ako ng malalim at iniangat ang mukha nya para makatingin sa akin. Pinunasan ko ang luha nya at umiling iling.
"Travis wala kang ginawang mali. You're too perfect. It's just that my past keeps on hunting me and I don't know what to do anymore. Alam kong mali pero Travis you need to set me free. I'm not good for you, ni hindi kita magawang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sakin. I thought I can love you but I can't."
"Tarra that's bullshit! We're married for three long years now tapos ngayon mo lang sasabihin yan? Na hindi mo ko nagawang mahalin? A-and I'm not good for you, really? God Tarra you're too good for me that's why I'm too inlove with you. Please let's make this work. Please tell me that you love me. Tarra hindi na kasi tayo mag boyfriend at girlfriend lang na pwedeng maghiwalay kapag ginusto, ni hindi ko nga gusto ang gusto mong mangyari. Tarra we're married."
"I know."
"You know but you're leaving me!" He desperately kicked the suitcase and cried. I'm too lucky to have him but we're not for each other. I'm not for him and he's not for me.
'Because you are for someone else, huh? For Justin?' My subconcious mocks me. I shake the thought off my head and exhaled.
"Pupunta muna ko kay Papa. Please Travis give me space, let me breath."
"I will let you leave for now baby. J-just promise me, promise me you'll come back for me. Promise me that you're not going to leave me permanently."
"I don't know Travis. We'll see."
"I just want to remind you that I'm not going to stop trying. Hindi ako pipirma sa divorce paper at lalong lalong hindi kita ibibigay sa iba."
I sighed and smile sadly. "I know."
—
To be continued..
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)