We Know We Can
© Hardheadeddouche
Continuation..
"Matthew gusto ko nalang mabaliw." Hilig ko sa kaibigan ko. Ang dami kong iniisip. Sobrang dami kong problema.
"Wag mo kasing tambayan, daanan mo lang." Kibit balikat nya. Napangiti ako dahil mabuti pa sya kayang gawin yon. Kaya nyang daanan lang ang problema tapos wala na.
"Buti ka nga may Keith ka na nagpapatatag sayo. Samantalang ako? Eto. Lahat nalang ng problema sa mundo parang dala dala ko na, wala akong dahilan para maging matatag eh."
"Gusto kang makausap ni Daisy." Abot nya sakin ng phone nya. Nakita ko doon ang mensahe na nagsasabing gusto nya nga akong makausap.
"Hindi na muna siguro." Tinungga ko ang hawak na beer at napailing nalang sa sarili ko.
"Nung sinabi sakin ni Justin na sana kami nalang ulit, Matt? Gustong gusto kong sundin sya. Gusto ko yon eh. Mahal na mahal ko yon. Pero hindi ko magawa kasi ang hirap. Maraming problema. Hindi rin naman nya ko mahal.. Nasabi lang naman nya yon dahil nahihirapan sya sa relasyon nila ni Marra."
"What if he really wants you back?" Tumawa ako sa posibilidad. That's too good to be true. Besides sobrang labo dahil kasal pa rin naman ako.
"Parati kong pinagdadasal yan. Pero isipin mo Matt.." Lumagok ako ng beer at tumingala. Gustong gusto kong pumikit. Gustong gusto kong managinip but everytime I'm on that situation, naiisip ko nalang na mas mabuti pang mulat ang mga mata ko sa makatotohanang bagay kaysa nananaginip ako ng mga imposible at hindi pupwedeng mangyari.
"Kasalanan ko naman lahat eh. Sana nga hindi nalang ako bumalik. Kung hindi ako bumalik baka sakaling okay pa rin sya."
"Mas iniisip mo pa sya kaysa sa sarili mong kaligayahan."
"Simula naman yata ng nakilala ko sya."
~~
Panibagong party ang inorganize ng kompanya para sa auction ng pinakamamahalin at pinakasikat na furnitures. Ginawa ang auction para sa mga bata sa orphanage, both companies want to build a school for the kids, gusto nilang kumuha ng mga teachers na magtuturo sa mga bata para makatapos ng 12 years na pag aaral. They want to prepare their future when they get out of there in case na walang umampon sa kanila.
"Ang ganda mo." Yakap sakin ni Matt. Ngumiti ako sakanya at nagpasalamat.
"Hindi ka talaga sasama?"
"Keith needs me. Hussle naman kung isasama ko sya sa auction. Baka umiyak lang sya doon."
"I understand." Tango ko. Tumayo na ko at lumabas na ng kwarto. Sinamahan ako ni Matthew hanggang sa makababa kami ng mahabang hagdanan. Inexpect kong pupunta akong mag isa sa auction dahil ayon naman talaga ang plano ko kung wala si Matthew. But when we reach the bottom of the long staircase ay nakita ko roon si Travis. Nakaayos ito at nakatalikod sa akin. May kausap sya sa phone at hindi ko malaman kung bakit ngayon ay nandito sya.
"Sasama sya?" Tanong ni Matthew sa gilid ko. Nagkibit balikat ako pero sa loob loob ko ay umaasa akong hindi sya sasama sa akin. Na may iba syang lakad.
"Hey." Bati nya. Hindi ko napansin na naglakad na pala sya palapit sa akin.
"Nauna na si Dad sa venue." Nagpaalam si Matthew sa akin at naiwan kami ni Travis.
"Sasama ka sa auction?" Masungit kong tanong. Naglakad ako palabas ng pintuan pero hinila nya ko at pinaharap sakanya.
"Ayokong binabastos ako Tarra." Mariing sabi nya. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko dahil ayokong magkapasa ako doon.
BINABASA MO ANG
We Know We Can (book3)
Fanfiction"Our Souls, Our Hearts & Our Irresistable Love." - Tarra & Justin (FINAL BOOK)